0111. I am an undercover and she's my mission

53 23 0
                                    

Reiben's POV

Mag-isa akong nakaupo sa sofa sa harap ng tv habang nagkakape. It's been three days since the registration day. And I don't have any text message from bitch. Hindi naman ako ghosted, right?

Honestly, I'm not sure about this life na. Hindi ko alam kung saan na 'to patungo. After the registration day alam kong wala na ako. I don't have someone or something to live. Wala nang kwenta 'yung buhay ko.

I took a sip in my coffee. Since the registration day hindi ko pa nakita si Dane and yung babae. As far as I remember her name is Alleina. Wala pa akong lakas na loob sabihin sa kaniya. I know he knows me, panigurado ay malalaman niya agad ito o mahahalata.

Balitang balita sa buong city ang mga namatay na kabataan. The news said na kanina lang ito natagpuan, ang mga bangkay sa loob mismo ng karaoke hub. They were conducting an investigation now. Maraming pulis ang tumingin sa crime scene. Nasa kani-kaniyang pwesto na din ang mga detectives at padating na din ang ibang mga reporters.

"Sir, what do you think happened to those teenagers?" tanong ng isang babaeng reporter.

"Napag alaman namin na they are celebrating their classmates' birthday and someone put a drugs on their drinks. We are now checking the CCTV cameras around the area. Sa ngayon ay iyan na lang muna ang maibibigay ko sa inyo." sagot naman ng pulis.

"Salamat po, Sir."

Parami ng parami ang mga kaso sa buong lugar ng Florre. Ni wala man lang akong alam. Yesterday morning, may nabalitaan ding isang pamilyang pinatay. Kahapon naman ng hapon, madami ang sumugod sa police station. Sinasabing nawawala ang kanilang mga anak. Though hindi sila pwede makapag-file dahil wala pang 24 hours.

At kaninang umaga ay laganap sa lahat ng flatforms ang mga nasawing kabataan. Marami ang naghihintay sa mga susunod na balita.

Inubos ko ang natitirang kape sa tasa ko. I looked at my cellphone, nagtext na si Dane. "She's ready Rei."

Nagmadali akong nagbihis at bumaba sa lobby. Sa sobrang pagmamadali ako ay may nabunggo akong babaeng nakacap. "Sorry po, sorry po." Sambit ko habang nagbo-bow.

Hindi man lang umimik ang babae. Tinalikuran niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Parang nagmamadali ito. I shook my head. Dane and Alleina is waiting for me. Kailangan kong magmadali.

Alleina is ready, so am I.

Mabilis akong nakarating sa Cafe. Walang balak si Dane na pakawalan ang babae. Kaya ang ginawa niya kinuha niya lahat ng gamit nito sa condo unit ni Alleina at dinala sa Cafe. Nagmukha tuloy na bodega ang buong lugar.

Naabutan ko silang nag away sa lamesa. "I told you not to put eggs!" singhal ni Alleina. Nakaupo siya sa lamesa at hawak hawak ang tinidor. Naglu-lunch na sila? Di man lang ako hinintay.

"I didn't!" balik sigaw ni Dane sa kaniya. Nakasuot ito ng apron.

"Eh bakit nangangati ako? I am allergic to eggs! Ngayon, allergy na din ako sa'yo!" Hinawi niya ang ilang hibla ng kaniyang kulay lilang buhok.

Seems like they didn't notice me. Patuloy pa rin silang nag aaway na parang aso at pusa. "Pucha, sabi nang hindi ko nilagyan ng itlog!" Napahawak si Dane sa sentido niya at minasahe iyon.

"Alam mo bang ang arte arte mo! Mas mabuti pa lang pinaalis na kita!" hinubad ni Dane ang suot na apron at inilagay iyon sa gilid.

Hinampas ni Alleina ang lamesa saka tumayo, "If that's the case, fine! I'll go." Padabog nitong inilapag ang tinidor sa lamesa.

Project 728 (On Hold)Where stories live. Discover now