Chapter 3: Versus

13 2 0
                                    

Hottest version of The Hottest Bed in Town, they are the hottest men. 
Hottest content so read at your risk. Mag-ingat. Nakakapaso.

Book 3: Chapter 3: Versus

Hindi makapaniwala si Arwynn sa narinig. Napatulala nalang siya. Hindj niya alam ang sasabihin.

"Hindi ako ang ampon Arwynn. Ikaw ang ampon. 'Wag mo akong isusumbong kay daddy na ako ang nagsabi sayo huh? Kung nasasaktan ka ngayon. Umalis ka nalang sa mansion. Umalis ka nalang sa buhay namin. Magpakalayu-layo ka." Hindi niya nagustuhan ang mga lumabas sa bibig ni Frangie. 

Huminga siya ng malalim. "Hindi ako aalis kuya. Hindi. Hindi ako papayag na maging masaya ka. Sinasabi mo lang ang lahat ng ito dahil galit ka sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit mo eh. Nag-iimbento ka pa talaga ng kwento." 

"Hindi ako nag-iimbento ng kwento Arwynn. Why would I? Ampon ka lang nila mommy at daddy! Ampon ka!" Lalo pa nitong ipinagduldulan sa kanya na isa siyang ampon.

"Bakit kailangan pa nilang mag-ampon? May anak naman na sila. Ikaw di ba. Mas matanda ka sa akin kuya. Isa pa, mas mahal nila ako kaysa sayo. Si daddy pantay ang pagtingin sa atin pero si mommy mas mahal niya ako kaysa sayo. Paano ako magiging ampon?!" 

Saka nito hinila ang kwelyo ng kanyang damit. "Napakayabang mo Arwynn! 'Yang mga sinabi mo ang dahilan kung bakit nagbago ako! Yan ang dahilan kung bakit galit na galit ako sayo! Ako ang tunay na anak pero ikaw ang mahal ni mommy! Ako ang tunay na anak pero ako ang dahilan kung bakit hindi sila masaya ni daddy! Ako ang tunay na anak pero 'yung future mo ang iniisip ni mommy noong nabubuhay pa siya! Parang ako pa ang nakikipagsiksikan sa sarili kong pamilya! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yun Arwynn huh? Hindi mo alam kasi lumaki kang pinagtatanggol ko! Lumaki kang puro pagmamahal nila mommy at daddy! At ngayon wala na si mommy! Si daddy naman mahal nga ako pero kahati pa rin kita!" Tuluyang pumatak ang luha sa mga mata nito. That was the moment he realized that everything he told him was true. 

Pumatak na rin ang mga luha sa mata ni Arwynn. It made sense. Unti-unti siyang nakaramdam ng sakit. "A-ampon lang ako kuya?" 

"Oo ampon ka lang! Sisiguraduhin kong mawawala ka sa pamilya namin Arwynn! Sa akin lang dapat ang buhay na ito! Sa akin lang! Ikaw naman ang dapat na magdusa!" Saka ito nagtatakbo palayo. 

Naiwan siyang lumuluha. Nagtago siya sa isang bakanteng classroom upang walang makakita sa kanyang umiiyak. Habang mas iniisip niyang ampon lang siya ay mas lalong sumasakit ang nadarama niya sa kanyang dibdib. Napadukdok nalang siya sa arm chair. Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbukas at muling pagsara ng pinto.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ng pumasok sa loob ng silid. Boses iyon ng isang babae. 

"H- hindi ako umiiyak." Nauutal niyang tugon habang sumisinghot. 

"Aaaah hindi. Sige nga ipakita mo ang mukha mo." Paghamon sa kanya ng babae. 

"Ayoko nga! Natutulog ako umalis ka nga rito." 

"Hindi ito tulugan. Classroom 'to. At dito ang klase namin mamaya." 

"May klase kayo rito?" Tanong niya.

"Oo pero isang oras pa naman. Maaga lang akong pumunta rito. Pwede ka pang makipagkwentuhan sa akin. Bakit ka ba umiiyak?" 

Nairita na siya rito dahil sa pamimilit nito. Ngunit nawala iyon nang bigla nitong haplusin ang kanyang likuran. Nanlaki ang kanyang mga mata. May kung anong kuryente siyang naramdaman. Mabilis na tumibok ang kanyang puso. 

"Kung anuman ang dahilan ng pag-iyak mo, okay lang yan. Lahat naman tayo ay nasasaktan eh. Lahat tayo nalulungkot at nagagalit. Anuman ang dahilan ng luha mo, valid yan. Damhin mo yan. 'Yan ang magiging dahilan ng susunod mong pagngiti at ng susunod mong kasiyahan." 

Namangha siya sa babaeng ito. Napakaliit at malambing ang boses pero malalim ang mga tinuran. Nakaramdam siya ng kaginhawaan mula sa mga sinabi nito. Handa na siyang ipakita rito ang kanyang mukha. Gusto rin niyang makita ang babae. He wanted to know who she was but it was too late. Nagtatakbo ito palabas ng classroom. 

"Sandali lang Miss!" Tinangka niya pa itong pigilan ngunit tuluyan na itong nakalayo. Hanggang sa napansin niyang nahulog ang isa sa mga notebook nito. Tumayo siya upang iyon ay kuhanin. Binuksan niya iyon. Namangha siya nang makita ang maganda nitong sulat kamay. Ibinalik niya ang pahina sa pinakauna. Doon niya nakita ang pangalan ng may-ari ng notebook. "Diane Fernandez." 

Wala nang klase si Arwynn sa araw na iyon. Umalis na muna siya sa kwartong iyon. Nag-abang siya sa labas upang ibigay ang notebook ng babae. Tila mas matanda ang mga ito sa kanya. Kaklase ng kanyang kuya ang babae. Nakita niyang pumasok din sa silid na iyon ang kanyang kuya Frangie.

Pagkatapos ng klase ay sakto naman na huling lumabas si Diane. Nilakasan na niya ang kanyang loob na lumapit dito. "D- diane." 

Parang eksena sa pelikula ang pagharap nito sa kanya. Mabagal. Parang may mga ilaw na effects. Tila may background music. Sa wakas ay nakita niya ang mukha nito. Bagay na bagay dito ang malambing nitong boses. Napakaganda ng babae. Napatulala nalang siya sa kariktan nito. 

"Yes? Kilala ba kita?" Tanong nito.

"Nahulog mo kasi ito kanina." Saka niya iniabot ang notebook dito. 

"Wow! Thank you! Nahulog ko pala ito kaya pala kahit anong hanap ay hindi ko makita. Teka hawak ko lang naman ito kaninang maaga akong pumunta rito sa room ah. I- ikaw ba yung lalaking umiiyak kanina?" Hindi lang ito maganda tila matalino rin ito. Nakuha nito kaagad kung sino siya.

"Ah.. eh... ako nga." Nahihiya niyang tugon. Napayuko nalang siya.

"Wag kang mag-alala walang makakaalam na nakita kitang umiiyak..." 

"Arwynn. Arwynn Pineda." 

"Mukhang nakita mo na ang pangalan ko rito sa notebook eh. Pero magpapakilala pa rin ako. Ako naman si Diane. Diane Fernandez." Saka nito inaabot ang kanang kamay sa kanya. Kinuha naman niya iyon. 

Muling naramdaman ni Arwynn ang kuryente nang maghawak ang kanilang mga kamay. Mas bumilis din ang tibok ng kanyang puso. Nanghina ang kanyang katawan sa pagtatagpo ng kanilang mga mata.

"Nice to meet you Arwynn. Thank you sa pagsoli ng notebook ko. Promise sikreto lang ang nakita ko. Seryoso ang lahat ng sinabi ko kanina ah. Okay lang ang umiyak. Lalaki man o babae. Walang masama sa pag-iyak." Saka isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

"Thank you din Diane. Malaking tulong ang mga sinabi mo. Pwede bang..."

"Diane? Arwynn?" Saka nagbitaw ang kanilang mga kamay sa pagdating ni Frangie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE HOTTEST MENWhere stories live. Discover now