CHAPTER SEVEN

2.4K 122 42
                                    


Cami

Napahinga siya ng malalim nang iparada ang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga magulang niya. Nakatanggap siya ng tawag mula sa mommy niya na pinapauwi siya ngayong gabi. May idi-discuss daw kasi ang daddy niya sa kanya at hindi siya puwedeng tumanggi. She had been living alone for so many years. Magmula nang magkaroon siya ng maayos na trabaho, nagsabi na siya sa mga magulang na bubukod na siya. Dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang totoong pagkatao niya. Alam niyang hinding-hindi iyon matatanggap ng kanyang ama. Hindi maiintindihan na hindi lalaki ang gusto niya kundi kapwa niya babae. Knowing his father that was so straight and hates members of the third sex. His father was very vocal on his views about gays and lesbians. Kaya sumasama ang loob niya sa tuwing narito siya sa bahay at nakakarinig ng mga pangit na salita tungkol sa mga katulad niya.

Sabagay. Hindi naman niya ito masisisi. Her father was a former general in AFP. Naalala niya ang sinabi ni Berett sa kanya na general din ang tatay nito. Natawa siya. Paano kaya naka-survive iyon sa sobrang istrikto ng tatay nito? At kung umarte ang isang iyon, daig pa ang mga babaeng maaarte. Kung tumikwas ang mga daliri parang laging pumipitik. Kung tumirik ang mga mata parang laging kuwarenta ang lagnat ang hitsura. At ang boses. Ang tinis-tinis. Ang arte-arte sobra.

Pero napangiti din siya nang maalala ito. Totoong naiinis siya kay Berett pero kahit paano naaliw din siya sa kaartehan ng isang iyon. Masaya silang dalawa noong wala pang nangyayari sa kanila. They jive together. Maybe because they were the same. They had the same sentiments in life. Pareho silang hindi nakuha ang mga gusto nilang tao. Nasira lang talaga nang dahil sa mga magnanakaw na iyon na pinaglaruan silang dalawa. Sa tuwing naaalala niya ang pangyayaring iyon ay talagang kumukulo ang dugo niya. Naiinis siya at naisahan sila. At mas lalo siyang naiinis na nagkaroon siya ng experience sa isang bakla.

It had been two months since that happened. So far, wala namang sex video nila ang kumakalat. Tingin niya ay bluff lang iyon ng mga magnanakaw para hindi sila magsumbong sa pulis. Hindi na rin nga niya ginawa kasi abala lang din sa kanya. Saka ayaw na niyang mag-explain at baka makalkal pa ng mga tao ang nangyari sa kanila ni Berett.

Pagbukas niya ng pinto ay naririnig na niya ang malakas na boses ng tatay niya. Mukhang may kausap sa telepono. Napataas ang kilay niya dahil masayang-masaya ang boses nito. Tumatawa pa nga. Napaikot na lang ang mata niya at tuloy-tuloy na pumasok. Dumeretso siya sa dining at naabutan niyang naghahain ng pagkain ang mommy niya. Agad siyang lumapit dito at humalik sa pisngi ng ina.

"Iha, dumating ka na pala. Halika na. Maupo ka na," nakangiting sabi ng mommy niya.

Sinunod naman niya ang sinabi nito at nakatingin lang siya sa mga nakahaing pagkain. May roasted beef. May Sicilian salad. Garlic-seafood pasta na maraming bawang sa ibabaw. Alam ng nanay niya na paborito niya ang pasta na iyon kaya marahil iyon ang niluto. Pero marahan niyang hinawakan ang ilong. Nababahuan siya sa amoy ng bawang. Pakiramdam niya ay nasusuka siya sa mga pagkain na nasa harap niya.

Muli ay dumating ang mommy niya at naglapag ng minestrone soup. Sinalinan ang bowl na nasa harap niya.

"How are you? Kung hindi ka pa sinabihan ng daddy mo na pumunta dito, hindi mo man lang kami dadalawin. Ang tagal-tagal mo ng hindi nagpupunta dito," himig nagtatampo ang mommy niya.

Pilit siyang ngumiti. "Sobrang busy sa office, 'mom. Grabe ang boss ko. Ang dami laging deadlines and ang taas ng quota na dapat naming i-achieve every month." Iyon na lang ang naisagot niya at marahang inilayo sa kanya ang soup na nasa harap. Hindi rin niya gustong makita ang soup na iyon. Pakiramdam niya sumasama ang tiyan niya.

Napabuga siya ng hangin at marahang hinilot ang magkabilang sentido. Nitong nakakaraang araw ay masama ang pakiramdam niya. Sobrang stressed kasi siya sa trabaho kaya alam niyang naaapektuhan na ang kalusugan niya. Kailangan na niyang mag-relax. Pero paano niya gagawin iyon kung sa tuwing lalabas siya ay naaalala lang niya ang nangyari sa kanila ni Berett? Pinilit niyang makipag-date sa mga babae. Sa mga lalaki. She set up a threesome date with her former partners pero na-disappoint lang siya. When they were doing the deed, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya makaramdam kahit katiting na libog. Kahit nga niroromansa na siya ng babaeng kasama niya. Nakahubad ang lalaki sa harap niya. She felt nothing. She felt empty. She wasn't feeling any arousal at all.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon