CHAPTER FIVE

2.8K 118 26
                                    


Cami

            That was sick.

            She couldn't believe what had happened.

            She had sex with Berett.

            With fucking gay Berett.

            Napangiwi pa siya at napapikit nang maalala ang mga ginawa nila. Ngayon malinaw na ang lahat sa kanya ang mga nangyari nang gabing iyon. Those two, Levi and Dione planned everything. Ang inaasahan niyang maiisahan nila ang mga iyon, sila ang naisahan. Ngayon, kailangan niyang mag-apply ng mga panibagong ID's na kasamang nakuha sa wallet niya. Ang una niyang ini-report ay ang mga banking apps niya. Naka-konekta kasi iyon sa telepono niya. Mabuti na nga lang at hindi pa na-access ng mga magnanakaw na iyon. Pero ang credit cards niya ay nagamit na sa online shopping. Ang daming purchases na agad niyang ini-report. Bahala na ang abogado niyang umayos dito. At least lahat ngayon ay naayos na niya. Hihintayin na lang niya ang mga kapalit na ID's at credit cards niya.

            Pero hindi iyon ang pinakamalala.

            She had sex with Berett. A gay man that she knew would never allow to fuck any woman. She could still remember his face when he realized what had happen. At ganoon din naman siya. Kahit siya ay hindi makapaniwala na mangyayari iyon. Malay ba niyang titigasan sa babae ang isang iyon. Alam niya lalaki lang ang gusto noon kaya takang-taka siya na may nangyaring kababalaghan sa kanila.

            "Cami, what can you say about this month's projection for our sales? Do you think this is attainable?"

            Napatingin siya sa boss niyang nagsasalita. Nang tumingin siya sa paligid ay nakita niyang nakatingin din ang lahat ng mga kapwa niya managers at hinihintay ang sasabihin niya. Agad siyang umayos ng upo at tiningnan sa monitor ang sinasabing report ng boss niya. Mahina siyang napamura nang biglang alisin iyon. Wala siyang idea sa kung ano ang sinasabi nito kaya napilitan na lang siyang ngumiti.

            "Well... I guess... yes? Every month naman na-a-achieve ang sales quota na ibinibigay sa mga ahente. And I am sure this month will be the same as the other months na kayang ma-reach ang quota," iyon na lang ang naisagot niya.

            Pilit na pilit ang ngiti niya habang nakatingin sa boss niya at seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Medyo kinabahan din siya dahil alam niyang walang kuwenta ang sagot niya at alam niyang hindi kumbinsido ang boss niya. Alam niyang alam nito na hindi siya nakikinig at lumilipad sa kung saan ang utak niya. Alangan naman na sabihin niya ang laman ng isip niya ay ang mga kabalbalang ginawa nila ni Berett noong nakaraan.

            Naipagpasalamat niya na mabilis din na tinapos ng boss niya ang meeting. Agad siyang tumayo at binitbit ang mga gamit niya at nakikipag-unahan na lumabas sa conference room sa mga kasama niya. Halos takbuhin niya ang opisina niya at agad na nagkulong doon. Ayaw na muna niyang makakausap kahit kanino. Sa totoo lang, ilaw araw na rin siyang ganito. Umiiwas sa mga tao. Dahil kinakabahan siya na baka ilabas ng mga taong iyon and sex video nila ni Berett kung meron man. Talagang makakaladkad sa kahihiyan ang pamilya niya.

            Pabagsak siyang naupo sa couch na naroon at isinandal ang ulo tapos ay pumikit. Nai-imagine na niya ang hitsura ng daddy niya kapag napanood iyon. Baka mapatay na siya ng tuluyan. Alam niyang may hint na rin naman ang magulang niya sa totoong pagkatao niya pero hindi na lang ito nagtatanong. Hindi naman kasi siya kilos lalaki. Babaeng-babae pa rin ang hitsura niya pero alam niyang mabilis kumalat ang tsismis. Alam niyang kumakalat sa circle of friends ng mga magulang niya na babae rin ang madalas na kinakalantari niya.

            Kasalanan ba niya iyon? Oo nga at mahilig siya sa babae pero ano ang magagawa niya kung babae rin mismo ang lumalandi sa kanya. Tao lang siya at gusto ng atensiyon. Gusto ng free sex at walang commitment na involve.

BAD DEAL | Bad Series 5 (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon