Special Chapter

66 2 0
                                    

3 years ago....

"Angela, bilis,.. bilisan mo.." tumatakbong wika ni Miguel

"Miguel, wait,.. hintayin mo ko.."

"Halika, bilis.."

Tumigil si Miguel sa isang bakanteng lote sa harapan nya. Agad rin namang nagtungo doon si Angela.

"Angela, look.." turo ng binata sa bakanteng lote sa kanilang harapan.

"Miguel, what is this for?.." takang tanong ni Angela

"Babe,.. dito natin itatayo ang ating dream house.." nakangiting sabi ni Miguel sa katabi nitong si Angela, namangha naman agad ang dalaga.

"Talaga?, totoo ba Miguel?.." masayang tanong ni Angela, agad naman itong napayakap sa boyfriend nya.

"Oo, dito tayo bubuo ng sarili nating pamilya,.. mag kaka anak tayo ng lima, tapos magiging mommy ka nila.." masayang sabi ni Miguel habang yakap yakap si Angela.

"Anak agad?.."

"Oh bakit?, ayaw mo?.." nakasimangot na wika ni Miguel

"Ano ka ba, pakasalan mo muna ako noh,... tapos saka palang tayo gagawa ng baby.."

Agad na humarap si Angela kay Miguel saka nito tinitigan ang binata sa kanyang mga mata.

Agad namang ngumiti si Miguel ng maganda.

"Don't worry, aayusin ko lang muna ang mga problema sa kompanya, pagkatapos saka natin asikasuhin ang kasal natin.." nakangiting sabi ni Miguel

"Promise?.."

Ngumiti ng bahagya si Miguel.

"Oo,.. promise.."

Niyakap ng mahigpit ni Angela si Miguel saka nito hinalikan ang binata sa kanyang pisngi.

Matapos titigan ang loteng pagtatayuan ng kanilang dream house ay agad na ring nagyaya si Miguel.

"Let's go na, ihahatid na kita sa photo shoot mo.."

Masayang naglakad ang dalawa patungo sa kotse ni Miguel.

Nang makarating ang dalawa sa sasakyan ay agad na binuksan ni Miguel ang pintuan ng pasenger seat upang makapasok si Angela. Agad nmang nagtungo si Miguel papunta sa may driver side, bubuksan na sana nito ang pintuan ng sasakyan ng biglang nakaramdam si Miguel ng paninikip ng kanyang dibdib. Biglang napahawak ang binata sa kanyang dibdib. Agad naman syang napansin ng girlfriend nya na nasa loob ng sasakyan.

"Babe?, why,.. okay ka lang ba..?"

Mabilis na bumaba si Angela sa sasakyan para usisain si Miguel.

"Miguel, are you okay..?"

"Wag kang mag alala, okay lang ako.." pilit na wika ng binata habang nakahawak pa rin ito sa dibdib nya.

"Sige na, pumasok ka na sa loob.."

"Are you sure, you're okay..?" alalang tanong ni Angela

Tumango lang si Miguel, naglakad pabalik sa loob ng sasakyan si Angela, ngunit hindi pa man nakakapasok ang dalaga ay bigla na lang natumba si Miguel sa pwesto nito.

"Miguel,.. Miguel,.. Babe,..."

Agad na nilapitan ni Angela ang nobyo nito pagkatapos ay mabilis na humingi ang dalaga ng tulong sa mga tao na nandoon.

.............

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Miguel sa ospital, pumasok doon si Anton.

"Kuya Anton, kamusta po?.." alalang tanong ni Angela kay Anton

417 Days With You - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon