CHAPTER 14

84 3 0
                                    

Maagang umakyat ng kwarto si Miguel ng gabing iyun. Pagkatapos nyang kumain ng hapunan ay agad syang nagpaalam kay Yaya Belen para matulog.

Nakahiga ang binata sa kanyang kama, habang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Maya maya ay bigla itong napangiti, bumangon ito at nagtungo sa table na nasa paahan ng kanyang kama, naupo si Miguel pagkatapos ay kinuha nya sa sulong ng katabi nyang drawer ang isang makapal na notebook.

Binuklat ni Miguel ang notebook, pagkatapos ay nag umpisa syang magsulat dito. Hindi mapagilan ng binata ang ngumiti habang nagsusulat sya sa makapal na notebook.

Makalipas pa ang ilang oras, natapos rin ito sa kanyang pagsusulat, isinara ni Miguel ang notebook, pagkatapos ay ibinalik nya ito kaagad sa drawer.

Bumalik si Miguel sa kanyang kama upang mahiga at matulog.

.......

Kinabukasan katulad ng kanyang ipinangako ay maagang sinundo ni Diego si Cathy, seryuso ito sa paghatid at pagsundo sa dalaga, mapatunayan lang nya na totoo sya ng itensyon kay Cathy.

"Ang aga mo atang natapos maghanda ahh, wala pang kalahating oras akong naghihintay.." nakangiting wika ni Diego kay Cathy

"Nahihiya kasi ako sayo, hindi mo nman kasi obligasyon na sunduin ako araw araw.." sagot ni Cathy habang sinusuklay ang basa nyang buhok

"Sinabi ko nman sayo diba, gagawin ko lahat, mapatunayan ko lang sayong seryuso ako,.. kaya wag ka ng mahiya dyan, tara na.. "

Masayang binuksan ni Diego ang pinto ng passenger seat para kay Cathy.

"Salamat.." sagot nman ni Cathy

Hindi pa rin makalimutan ni Diego ang nasaksihan nya noong nakaraan, habang nasa byahe ay iniisip pa rin nito kung bakit ganun na lang kasaya si Cathy habang kausap si Miguel, at ganun din si Miguel kay Cathy, kaya para mawala ang kanyang pagdududa ay tinanong nya si Cathy tungkol sa sinasabi ng dalaga na lalaking gusto nito.

"Ah Cathy, pwedeng magtanong..?"

"Ha, ano yun?"

"Ahh,.. yung bang crush na sinasabi mo eh, kilala ko..?"

Nagulat si Cathy sa naging tanong ni Diego, pakiramdam nito ay may alam na ang binata.

"Ha..? ah eh, hindi malamang hindi, kasi ano,.. classmate ko sya nong college,.. oo tama classmate ko sya nong college.."

Kahit kinakabahan ay nakuha pa rin ngumiti ni Cathy sa pagsagot sa tanong ni Diego

"Ahh.."

Napatitig si Cathy kay Diego.

"Ah bakit mo nman naitanong yun..?" nagtatakang tanong ni Cathy

"Ha, wala, akala ko kasi kilala ko ehh.." nakangiting sagot ni Diego

"Ahh... Haha.."

.........

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa kompanya. Pagkatapos nyang ihatid si Cathy sa trabaho ay agad na nagpaalam para umalis si Diego.

"Cathy, una na muna ako ha, balik ako mamayang lunch, may aasikasohin lang ako, mag iingat ka.." wika ni Diego kay Cathy kasabay ng matamis nitong ngiti sa dalaga.

"Sige, ingat ka rin, salamat sa paghatid.." nakangiting paalam ni Cathy

Agad na pumasok si Cathy sa entrance ng building pagkatapos ay dumiretso ito kaagad ng elevator, papasok na ang dalaga sa elevator ng may magsalita sa likuran nya.

"Good morning, Miss Gonzalez.." wika ni Miguel, sinabayan nito ng pagpasok si Cathy sa elevator.

Masaya namang binati ni Cathy si Miguel.

417 Days With You - TAGALOGHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin