Chapter Seventy-Eight: Chasing Innocence

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero wala naman tayo sa war para maging prisoner ako.

Oh, is Kairo pertaining to the game's official name, perhaps? Ang ipino-point out niya ba ay ang 'Wars' na nasa Rogue Wars Online. O pwede na ring sa mismong game sa city na 'to na 'Territory Wars'. That's very clever of him.

"Well, the three of you are witnesses to my comrade's death, so shouldn't I be the one issuing such command?"

"Oh?" hinatak ako ni Kairo papunta sa likod niya, as if shielding me away from Wes. "I doubt you're concerned. You didn't even glance at the corpse."

Wes' hand grasped my other arm, dragging me out. I could only blinked as both hands tightened their grip. Parang ako tuloy ang rope na kailangan nilang hilahin para manalo. Although, I do hope hindi nila gagawin iyon dahil baka mabali ako.

Sinulyapan ko si Dierran para sana humingin ng tulong, pero agad niyang iniwas ang tingin nang magtama ang mata namin. Nagtaka ako kung bakit mukhang may amusement sa mukha niya. Is he happy to watch a childish game?

Sunod kong tiningnan si Gavin na agad namang nakuha ang mensahe ko. He nodded with confidence and smiled at me for reassurance.

"Huwag kang mag-alala, Finn. Akong bahala sa'yo-AAAAH!"

I watched blankly as he shouted when said Fern drag him off the roof. Because Gavin was wounded and couldn't properly walk, wala siyang nagawa kung hindi ang bigyan ako ng nakakaawang mata habang tinatakbo siya palayo ng babae.

I love being reunited with him, but why does he keep doing stupid things whenever we meet?

Why can't I ever have a sane day, even just for once?

"Glancing doesn't matter when I personally witnessed what happened. Shall I ask you in for questioning?"

"Why do you need to question us when you've personally witnessed it? Hindi pa ba sapat ang account mo at kailangan mo kaming dalhin? You must keep things like this quick and clean."

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang magpatuloy ang pag-aaway nila. "Wait-"

"You're such an expert in making things quick and clean, huh. Is that why you're so indifferent around death?"

"'Diba dapat tanungin din kita niyan? I expect you to be shedding tears now, not engaging in a verbal battle with me."

Every time they talk, they have to pull me in their direction as if to prove a point. Nakakainis na at sumasakit na rin ang braso ko sa nangyayari.

"Let go of her, Kairo." Wes threatened, voice going low and jaw clenched.

"You let go. I got her first." Kairo returned the threat, eyes dark and glaring.

"Bitawan niyo 'ko." mahinang banta ko rin.

In an instant, I was released.

Minasahe ko ang sumasakit at namumulang wrist. I let out a sigh, giving both of them a warning look. Kung may problema sila sa isa't isa, pwede bang sila na lang maglaban at huwag na akong idamay? I just want to play Territory Wars, not witness their own war.

"Finn, don't forget our conditions." paalala ni Kairo pero wala akong maalala na kondisyon.

Is he... Is he finally out of his mind? Anong condition ang pinagsasabi niya eh pinigilan niya lang naman ako buong magdamag.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon