Chapter 15

322 24 34
                                    

"Saan na tayo pupunta ngayon?" balisang tanong ni Roger sa amin matapos ang mahabang katahimikan.

Hindi ko alam kung may isang oras na ba kaming bumabyahe noong bumaba si Kio. Napabuntong-hininga na lang ako at ipinikit na ang mga mata ko. Pabagsak ko na sinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan dulot na rin ng matinding pagod.

Kumunot bigla ang noo ko nang bigla na lang lumitaw ang isang senaryo sa isipan ko.

"Mira!"

Nakaupo ako sa malamig na sahig. Kaharap ko ang isang may kaliitan na teddy bear. Nakatutok pa ako rito bago ko nilingon ang kung sino man na tumawag sa akin.

"Happy birthday, anak," the man with a blurry face greeted me, but I could see him smiling. "Mommy wouldn't be here with us today. Nagkaroon kasi ng emergency do'n sa lab nila."

Whoever that mother is, can't she spare even just a few seconds to be with her child on her birthday?

"Close your eyes, princess."

Hindi ko alam kung bakit pinikit ko ang mga mata ko kagaya ng sinabi ng lalake. Narinig ko pa na natawa siya sa hindi malamang dahilan. Suddenly, I felt something like a cold chain surrounding my neck.

Naapdilat ako at napababa ng tingin. "Wah. . . It's beautiful."

Magsasalita pa sana ang lalake nang bigla na lang kami nakarinig ng putukan ng mga baril. He pulled me away, but I closed my eyes and covered my ears. Umiling ako nang ilang beses dahil sa takot na baka ano pa ang mangyari sa akin kung gagalaw ako.

"Mira, come on!" he yelled as he tried to remove my hands from both of my ears. "Look at me, baby! Come on, look at me, anak!"

Umiling ulit ako nang umiling. Tears started to stream down my cheeks. I could feel my heart pounding inside.

"Kailangan mo nang umalis dito, Mira! Leave this island and do not even try to remember what happened here!"

I shook my head for the nth time. "I don't want to, papa!"

Napasigaw na lang ako nang may maramdaman akong tumusok sa braso ko. Ako naman ngayon ang napahawak nang mahigpit sa braso ng lalakeng iyon.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata, pero wala na ang lahat.

"Hey." Drake tapped my shoulder.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. "Nakatulog ba 'ko?"

Tumango siya bilang sagot. He was about to cup my cheeks when his hands stopped midair. Nag-iwas siya ng tingin at naiilang na natawa.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko, kaya hindi siya nakasagot at nanatili lang na tahimik.

Dumb, Jamira. Malamang hindi okay 'yan. His friend just got bitten a few hours ago.

Napabuntong-hininga na lang ako at marahan na tinapik ang balikat niya. "If you need someone's shoulder to cry on, you can use mine."

"Men don't cry, Jam," natatawa, ngunit mapait na bulong niya.

"Grabeng level ng kaastigan naman 'yan. Robot ba kayo para hindi makaramdam ng kahit na anong emosyon?" inis na tanong ko sa kaniya kaya gulat siyang napatingin sa akin. "Hindi naman, 'di ba?"

Napansin ko ang pagdausdos ng mga luha sa pisngi niya. Napakagat pa siya sa labi niya para pigilan ang iyak niya, saka siya nag-iwas ng tingin. Dahan-dahan niyang ibinaon ang mukha niya sa balikat ko at doon tahimik na umiyak.

I heaved a sigh and gently tapped his back. I can hear him trying to suppress a cry from escaping his mouth. Napatingala na lang ako nang tumulo na rin ang luha mula sa mga mata ko.

Zombies From NowhereHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin