Chapter 1

10 2 0
                                    

CHAPTER 1

Tulala lang ako sa kawalan sapagkat nasaksihan ko kung paano pagbuhatan ni Tatay si Nanay. Hindi ko sukat akalain na ipapakita talaga nila sa'ming magka-kapatid kung paano sila mag-away. Simula kase ng malulong sa bisyo si Tatay ay palagi nalang silang nag-aaway.

Tumulo ang luha sa'king mga mata nang maalala ko ang mga panahon na masaya pa kami at hindi gan'to. I sigh deeply at saka nagmulat ng mata, pero pag-mulat ko ay namataan ko ang aking kaibigan na si Susie na nakangiting kumakaway sa'kin.

"PRIMROSE AMARA!!!!!!!." Pota! Ayoko talaga ang pangalang Primrose, bakit kase ganun ang ipinangalan sa'kin ni Nanay.

"Primrose Ama..." Kaagad kong tinakpan ang bibig ng aking kaibigan pagkalapit niya sa'kin.

"Just call me Amara, please." Saka ko siya inirapan. She just laugh and annoyingly grab my hand to stand up.

"Alam mo ba may pinagkakaguluhan na bagong dayo sa kabilang bayan, sobrang gwapo daw kase at potaaaaaa bes may pandesal!!!! I cannot ackkkkk." Kung hindi ko lang 'to kaibigan kanina ko pa 'to nasampal. Inirapan ko nalang siya saka naupo ulit.

"Please Susie, pagpahingahin mo muna ako sa isang araw. Hindi pa ba sapat yung ang mga lalaki na gwapo dito? I mean look at them." inginuso ko yung mga gwapong tambay.

Sumimangot siya at saka hinila ulit ako, wala na akong magawa kung hindi ang sumama nalang sa mga trip niya. For God's sake araw-araw nalang siyang may balita na kesyo may gwapo, kapag hindi naman gwapo ibang tsismis naman ang sinasabi.

Napailing nalang ako habang tumutungo kami sa kabilang bayan, habang siya patuloy pa din sa pagdakdak.

"At alam mo ba Prim, kaya daw na'ndito yung gwapong may berdeng mga mata ay dahil may photo-shoot eto kasama ang ibang model, omg!! Imagine that, nagpunta sila sa probinsya para sa isang pictorial." I smirk and then hold her hand tightly when some of the guys are looking at me intently. Gosh, they're creeping me out.

"Prim, ang ganda mo talaga, tamo lahat ng lalaki nakatingin sa'yo. Ano pong mahika ginagamit mo?."

"Gaga, mahika ka diyan. Do I look like a witch to you?"

"Mukha kang diwata Prim, tapos matangkad kapa at sexy. Pak na pak!"

Napatawa nalang ako at tumigil kami sa may tindahan dahil nasa kabilang tindahan daw yung lalaking sinasabi nila na gwapong-gwapo, wews.

"Prim, ayan siya oh. Ang gwapo diba?." Tumingin ako sa lalaking itinuturo niya at kaagad na kumabog ang aking dibdib nang magtama ang aming mga mata.

Damn, ang ganda ng mga mata niya, kulay berde at kapag nasisinagan ng araw ay mas lalong gumaganda. Napalunok ako ng tila gusto kong hilahin ang lalaking kanina lang ay nakatingin sa'kin.

He's f*cking handsome!

"PRIM!!! PRIM!!!!!"

"W-what?"

"Tulala ka gaga! Gwapo noh? Yieee ganyan mga tipo mo eh."

"Tumahimik ka nga, he's not my type. Tss, tara na umuwi." Saka ako tumalikod at ready na sanang umalis pero kaagad na napatigil ng marinig ko ang boses ng lalaki.

"Miss, Can I have your number?" Lumingon ako sa pag-aakalang yung gwapong lalaki yung kumukuha ng number ko but I got disappointed dahil isang chinitong lalaki ang kumukuha ng number ko. Isa siguro sa mga model.

"Sorry pero hindi ako nagbibigay ng number sa stranger." Inirapan ko siya saka dali-daling hinila ang nakatulala kong kaibigan.

Damn, what an epic day of my life.

"Prim! Bakit 'di mo ibinigay number mo, ang gwapo din nung guy." Ngumuso ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Number ko nalang sana binigay mo Prim, hmp gaga ka talaga! Grasya na naging bato pa."

"Hindi ko nga type ang mga model. Bilisan mong maglakad at baka nasa bahay na sina Nanay, lagot ako kase umalis na naman ako."

Pagkarating sa harap ng bahay ay kaagad na nagpaalam sa'kin si Susie, tiyak kase na hinahanap na din siya ni Tiya Marga, nanay ni Susie.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko na kaagad ang aking kakambal na si Primo sa may sala na nagbabasa ng libro, lumingon siya sa akin panandalian saka tumango at napatuloy ulit sa pagbabasa.

"Kuya, nagluto kana?"

"Yep. Don't worry, ako pa ba."

Napangiti nalang ako saka umakyat sa pangalawang palapag ng aming bahay upang maligo at magbihis. I feel sticky at the same time my heart still beats faster than it's normal beat.

Habang kumakain ay tulala lang din ako dahil hindi pa din mawala sa isip ko ang lalaking may magagandang mga mata.

Damn, I'm doomed.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER OBSESSIONWhere stories live. Discover now