Chapter 2: First Day, First Girl

188 28 16
                                    

Matapos ko ngang isinigaw ang bagay na iyon ay nalaman ni Sensei ang aking pangalan na Eichiro.

Matapos iyon ay may sinabi nga sa akin si Sensei bilang gabay sa aking pagpunta doon ng umagang iyon.

Ibinigay nga niya sa akin ang isang mapa kung saan matatagpuan ang mga labing-dalawang mga babae.

Itinuro niya sa akin kung paano gamitin ang mapa at hindi para isang malambot na tissue lang.

Itinuro niya sa mapa kung saan ba ako dadaan. Dahil mahiwaga ang mapa ay may sarili itong ilaw. Ito ay ang red light at green light.

Ang green light ay kung pwede akong dumaan at ang red light ay hindi pwedeng daanan.

So, madali lang naman sundin ang mapa basta green light lang. Kung pupunta ako sa red light ay risky ang daan doon dahil pwedeng malakas ang kalaban o may patibong.

Sa ekis daw ay doon nakatira ang mga 12 dalaga.

Sa, heart symbol naman ay kung saan kami nakatayo ngayon o kung saan ang bahay ni Sensei.

Matapos niyang itinuro ang mapa ay handang-handa na ako. Tsaka, kinuha ko na lahat ng aking gamit at inilagay ko sa bag na ibinigay sa akin ni Sensei.

Sinabi sa akin ni Sensei na mag-iingat ako at sana raw ay magtagumpay ako sa aking challenge.

Nagpasalamat nga ako kay Sensei sa kanyang sinabi.

Pero may huli pa siyang sinabi, kung makikiusap raw nila. Dapat, pumayag daw ako dahil tiyansa ko na raw iyon.

Dito ay binatukan ko ulit si Sensei dahil sa kung ano-anong sinasabi niya.

Pero, biglang natandaan ni Sensei ang pinakaimportateng bagay na gagawin ko bago ako pumunta.

Medyo nakalayo na ako pero narinig ko ang kanyang sigaw.

Isinigaw niyang "NAKALIMUTAN MONG HAWAKAN ITONG PWET KO!"

Nang narinig ko iyon ay mabilis akong bumalik at agad ko nanaman binatukan si Sensei.

Sinabi kong hindi pwet kundi iyong pang-upo niya.

Sinubukan ko ngang hawakan ang kanyang pang-upo pero nandidiri ako eh.

Sinabi sa akin ni Sensei na minsan lang naman ko ito gawin kaya dapat ay pumayag na ako.

Ginawa ko nga iyon ngunit nakasuot ako ng gloves para proteksyon.

Sumigaw ng "YES" si Sensei dahil sa wakas daw ay nahawakan ko na ang kanyang pang-upo.

Ngunit sinabi ko sa kanya na nakasuot ako ng gloves. Ibig sabihin hindi ko ito nahawakan sa pamamagitan ng balat ng aking kamay.

Sinabi ni Sensei na maarte ako kaya sinabi ko sa kanya na hawakan din niya ang akin kung hindi siya magiging maarte.

Dahil dito ay sinampal ni Sensei ang aking pang-upo kaya nainis ako at iwinasiwas ko siya hanggang naishoot ito sa labasan ng usok sa kanyang bahay.

Dito ay naglakad na ako patungo sa unang babae na aking kikilalanin.

Sinunod ko ang Green light kaya naman ligtas akong nakatungo sa bahay ng unang babae.

Habang ako ay lumalakad ay nakita ko ang paligid na napakagandang pagmasdan.

Pagdating ko doon ay nakita ko ang kaniyang bahay na kulay pink na bungalow. Ang cute ng kanyang bahay dahil halos ka-height ko ngunit ibang-iba ang kanyang bahay at hindi tulad sa real world.

Kumatok ako sa kanyang maliit na pinto at binuksan niya ito ng unti-unti.

Noong nakita niya ang aking mukha ay agad nitong isinara ang pinto ng kanyang bahay at hindi ako pinapasok.

EICHIRO: When I Met 12 Girls in 12 DaysWhere stories live. Discover now