Chapter 7: Kailan?

Start from the beginning
                                    

"Hala, ayan na si Ma'am. Papasok na sa likod," bulyaw ni Adam sa labas ng pinto bago pa ako makapagpakilala.

Tila isang paslit na naging aligaga si Jerson. Hindi ko siya masisisi dahil kilalang terror teacher si Ms. Desalisa ng Math Department.

"Ay, takte! Sige, usap tayo mamaya, Noah," nagmamadaling saad ni Jerson.

"Uto-uto," asar ni Adam.

Ang mukha niyang kanina pa nakasimangot ay nagsimulang ngumiti dahil sa ginawang pagtakbo ng kanyang kaibigan. Pumasok siya sa kuwarto habang mahinang tumatawa. Nakangiti pa rin siya sa upuan nang mapatingin sa direksyon ko.

Nakapalumbaba pa ako habang nakabungisngis sa kanya.

"Anong tinitingin-tingin mo?" reklamo ni abnuy. Maangas ng tono nito. Sumimangot ito at pinagsalubong na naman ang kanyang mga kilay.

Nginitian ko siya lalo. Ngayon ko na lang siya halos nakitang humalakhak maliban sa mga bersyon niya sa hinaharap. "Wala lang, namiss ko lang ang... I mean, ngayon lang kasi kitang nakitang tumawa."

Kitang-kita ko kung paano namula ang maputi niyang balat. Wala talaga siyang maitatago sa akin. Ganitong-ganito rin siya sa ilalim ng puno.

Malamang ay hindi na siya mapakali. Siguro ay hindi niya mapaliwanag kung bakit siya biglang nahiya. Ayon sa mga kuwento sa akin ni Bien, kadalasan kasi ay wala itong pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Kung baga, sa buong klase, si Adam ang pinakasuplado. Agad na nagpanggap si Adam na abala at kunwaring may hinahalungkat sa kanyang bag.

Wala ka na bang mahalungkat kundi ang bag mo?

Biglang pumasok ng room ang Math teacher namin. Ngunit imbis na sa gitna dumiretso ay sa amin ni Adam ito tumigil.

"Good morning class! Before we begin, Noah and Adam! Pinapatawag kayo ni Mrs. Aguilar sa office nila. Puntahan ninyo na," utos ni Ms. Desalisa.

Agad kaming napatayo ng katabi ko at lumabas ng kuwarto. Humaharurot kami patungong Department of Science. Sinugurado niyang nasa unahan ko siya habang panay ang reklamo.

"What is it this time?" alala ni Adam. Kinakabahan ito sa kung anong maaring sabihin na naman sa amin.

"It's gonna be fine. Trust me," sagot ko na nasa likod nito sa paglalakad.

Bahagya niya akong nilingon. Nakataas ang isang kilay. Malamang ay nagtataka ito dahil napakakampante ko. Bilang isang time traveler, ngayon lamang ito nakakita ng tao na ganito ka-kampante na parang alam na ang mga mangyayari sa hinaharap. Maging ang mga tanong sa Physics tuwing nag-eensayo kami ay tila kabisado ko na.

Ilang minuto pa ay nasa opisina na kami ni Mrs. Aguilar. Natatawa pa ako bago pumasok. Para kaming nasa boutique. Puno ng kolorete ang lamesa nito. Sa kanyang likod ay isang malaking salamin na may mga nakalagay na make-up sa harapan.

"Okay, so as you both know, the Quiz Bee will be in two weeks, right?" tanong ni Mrs. Aguilar. Nasa harap ng lamesa nito kami nakatayo ni Adam.

"Opo," tugon ng binatang katabi ko. Nakakunot ang noo ni Adam samantalang abot-tainga naman ang ngiti ko.

"Sadly, ang dami ko nang ginagawa sa Department. So, limited na lang ang time natin to coach. Ganito, Adam, saan ka nakatira?"

"Sa Las Piñas po," mahinang tugon ni Adam. Nagtataka ito kung saan papunta ang mga tanong ng guro namin. Gusto na niyang bumalik sa klase at makinig na lamang sa pagtuturo ng Math teacher dahil mas nakasanayan na niya ito.

"Okay, malayo plus traffic. Ikaw Noah, hijo?" Nginitian ako ni Mrs. Aguilar. Ako naman ay kanina pa mukhang natutuwa sa sinasabi niya.

"Naka-condo po ako sa Bonifacio Global City," masayang kong sagot. Tumatalon ang puso ko sa saya dahil alam ko na ang susunod na sasabihin ng Science teacher namin. Nakasulat na itong lahat sa journal ko.

Ark and Apple || Flood in EdenWhere stories live. Discover now