Ang inis ko ay biglang napalitan ng kaba, dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang may kung anong dumadaloy sa katawan ko at hindi na ako makapagsalita.

"Okay, hindi talaga ako makakasama sa'yo mamayang lunch, sinabi ko 'to kasi baka hanapin mo ako mamaya at hindi mo ako makita, baka bigla ka nalang pumasok sa oprerating room," saad niya.

"Excuse me? Hindi kita hahanapin no. At tsaka I don't also want to eat with you." Saad ko.

"Talaga? Last day kasi nakita ko hinanap mo ako eh. Nalate lang ang paglabas ko hinanap mo na 'ko kaagad?" Pang-iinis niya na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

"Huwag ka ngang feelingero diyan! At tigilan mo na 'tong pang-iinis mo sa'kin!" Naiinis na saad ko.

"Ang saya kaya." Saad niya.

"Anong masaya dito?"

"It feels like we're going back to the things that we used to do. Feels nostalgic"

Again. I feel my heart beating so fast after hearing his words.

Pero dapat ko 'tong pigilan. Hindi ito maaari.

"Yan lang naman siguro ang URGENT na sasabihin mo diba? Pwede mo naman sana na sabihin sa'kin sa telepono kanina, pinapunta mo pa talaga ako dito sa FIFTH FLOOR!" Supladang saad ko.

"You know the reason why?"

"Ano na naman ba?" saad ko.

I see his smirk again kaya tinitigan ko siya ng masama. Dahan dahan siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at naglakad papunta sa akin.

Habang papalapit siya sa akin ay ganoon din ang pag-atras ko, hanggang sa napasandal na ako sa pader. He stop a few inches away from me.

"Kasi gusto ko na makita ko ulit na mainis, at ngumiti ka ng dahil sa akin. Namiss ko kasi 'yun eh."

Napatahimik ako ng marinig ang sinabi niya. Seryoso ang mukha niya kaya alam kong totoo ang kaniyang sinasabi.

"I want to return the old us, Dr. Reyes"

Hindi na ako nakagalaw pa sa pwesto ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko at para naglue ang heels ko sa sahig dahil hindi ko na magawa pang umalis.

Buti nalang. Buti nalang talaga at nagring ang phone ko kaya kinakailangan kong umalis para sagutin ang tawag.

"Hello, sino 'to?" Tanong ko pagkasagot ko ng tawag. Unregistered kasi ang number.

[Triny ko lang ang bagong sim ko, pakisave nalang] saad ni kuya.

Akala ko kung sino si kuya lang pala.

"Ako kuya noted." Saad ko.

[Oh sige, kailan ka nga pala uuwi?] Tanong niya.

"Next week siguro" saad ko pagkasakay ng elevator.

[Sige. Hintayin ka namin. Sige tawagan nalang kita mamaya if may oras na ako. Ingat ka diyan] saad ni kuya bago pinatay ang tawag.

Habang nasa loob ako ng elevator ay hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng sinabi ni Dave kanina.

'He want to return the old us?'

Ano na naman ba ang trip niya?

Napatigil ako sa pag-iisip ng bumukas na ang elevator kaya dumeritso ako sa may opisina ko para kumuha ng wallet dahil lunch break narin naman.

Kinakailangan ko ulit na sumakay ng elevator para bumaba ng ground floor para kumain ng lunch.

Pagkarating ko nang elevator ay nanibago nga talaga ako kasi paglingon ko sa likuran ko ay wala na si David na palaging sumusunod sa akin. Pagpasok ko ng canteen ay wala na rin ang Dave na susulpot nalang bigla sa gilid ko at uupo sa harapan ko.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon