c h a p t e r: f i f t y - e i g h t

164 4 1
                                    

2019 SUMMER 

JHO 

Kalmado, tahimik at kakaibang pag uusap na ang nangyayare ngayon. Kung dati, masaya, clingy kaming nag uusap, malaya kaming gumalaw sa isa't isa pero ngayon ay parang may lamat at limitasyon na lamang ang mga galaw namin. 

Malalim na ang gabi nandito parin ako sa garden, naiwang mag isa masyado akong nalulungkot sa nangyare saaming dalawa. Gusto kong umiyak pero parang ubos nasimula nung umalis siya nung gabing yon. 

Sa totoo lang, gustong gusto ko na yakapin kanina si Bea at sabihing miss na miss ko na siya pero ang nangyayare samin ngayon ay para bang closure na hindi na maayos ang pag kakaibigan namin. Hindi ko alam pero parang ayon na nga ang nararamdaman ko. 

Masyadong masakit ang paraan para matapos ang gabi ko, iniinom ko nalang to ng beer hindi ko alam kung nakaka ilan na ako simula nung umalis si Bea. 

Flashback 

"Sorry"

"Sorry" sabay naming banggit sa salita na yan. 

"Mauna kana" paunang sabi ko. 

"Sorry kung hindi kita kinausap matapos nung gabing yon, sorry din dahil hindi ako nakapag paalam nung umalis ako papuntang states.. Sorry din kung hindi ako nag pakita sayo nung gabing nakita mo si Maki sa starbucks non, sorry kung hindi ako nag sabi na mag tatagal ako ng halos 2 years sa San Francisco non." pag papaliwanag niya. 

Nung una hindi ako makapag salita sa lahat ng sinabi niya, alam ko nung gabing makita ko si Maki alam kong kasama niya si BDL dahil nung nalaman ko kung taga saan yung girlfriend ni Maki a year ago ay ibang dereksyon papunta samin at kung saan nakatira ang girlfriend ni Maki. 

Wala akong masabi, wala ka din maririnig kundi malamig na hangin at gamo gamo na naka kalat sa labas. Nung mag sasalita naman na ako ay agad naman siyang nag salita. 

"Sorry Jho for ruining our friendship, hindi ko kase kaya na mangayare yung mga pangakong napapako lalo nakung espesyal sakin ang isang tao.." tumigil siya at huminga. 

"Bago pa kita makilala, bago pa ako mag stay dito sa rest house. Meron akong kaibigan na halos kapatid na ang turing ko sakanya.. December 2013 nung umuwi kami non sa San Francisco para doon mag Christmas at mag New Year, Buong trip namin don kasama ang pinsan ko at si Therese ang kasama ko sa lahat ng gala at event namin non..." 

"February ng malaman nilang may pancreatic cancer si Therese at nalaman ko namay sakit siya nung paalis na kami non para umuwi sa Pilipinas. Meron kase kaming Pangako sa isa't isa gaya ng mga pangako na sinabi natin sa isa't isa, pinili kong maniwala sa mga pangako mo Jho dahil special ka sakin...." 

"Umalis kami ng states nung mailibing namin si Therese, yung mga araw na kasama ko siya ay ibang iba sa mga nakaraan na nakasama ko siya. Yun pala ay yun na ang huling pag sasama namin na trinetreassure ko habang buhay.." 

"Nung umuwi kami ulit sa states nung gabing mag away tayo ay siya agad ang una kong pinuntahan dahil alam kong maiintindihan niya ako sa problema ko sayo non Jho.. masyado akong nasaktan sa mga pangako.."

"Nung alam kong ready at willing na akong makipag ayos.. umuwi kami ni Maki dito non agad pag kauwi ko from States but I saw you with Janelle masyado akong nasaktan dahil iba na naman ang desisyon mo.. sabi mo sakin na sasabihin mo saakin ang lahat simula sa ligaw at kung kelan mo siya sasagutin dahil pinangako mo yon.." tumigil siya at nakita ko ang mga luha niya sa mga mata niya sabay tungga ng beer na iniinom namin. 

"Nung makilala ko si Maddie, naging okay ako sa school dahil hindi na kita masyadong naiisip. Dumating din yung time na gusto ako maging bestfriend ni Maddie ay natakot na ako.. baka mawala na naman ang taong special sakin. Iniwasan ko si Maddie non bago ulit ako mag tiwala sa taong gusto kumaibigan sakin.."

Natahimik ang paligid nang matapos siya mag kwento, wala akong magawa kundi maluha at wala din akong mailabas na salita kahit gusto ko mag salita. 

"Masaya ako na makita ka ngayon, masaya ako dahil matagal na kayo ng taong mahal mo. Masaya ako na nakakapag usap tayo kahit hindi na tulad ng dati." dugtong niya pang sabi.

"Masaya din ako na maspinili mong mag karoon ng bagong kaibigan, Okay din na nag tiwala ka kay Maddie this time." ANO BA JHO? Yan lang talaga sasabihin mo?

"Yeah.. Uhm Jho?" maikling sagot niya.

"Hm?" 

"Thankyou for this, I'll be going na.." tumayo naman siya at akmang aalis na pero nung makita niya akong naka upo lang ay nag salita siya ulit. "Jho? Let's go?"

"Ay oo tara sige" yan nalang talaga ang nasabi ko. 

Flashback Ended 

Hayy naiiyak nalang ako sa mga nalaman ko at tuloy tuloy parin umiinom ng beer na hawak ko. Nung nakaramdam na ako ng pag kahilo ay dumeretso na ako sa kwarto para matulog pero kahit anong pikit ko ay paulit ulit kong naririnig ang lahat ng sinabi ni Bea. 

Kahit anong pwesto at takip ko sa sarili ko ay tumutulo parin ang mga luha mula sa mata ko, nasasaktan ako sobra.. yung matagal ko nang gustong ayusin.. eto may lamat na. 

Yun na ba talaga yon Bea? Mananatili ka parin ba tayong mag iiwasan?

_________________________________________________

Hi Guys!! MIA for almost 2 months, sorry inenjoy at nag focus muna ako sa acads!! Actually matagal na tong naka draft!! and marami pa, pero I decided na hindi muna upload since onti nakang drafts ko and wala pa ako sa mood mag sulat ulit. Sana Maintindihan niyo foee ahihi, alabyu.

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee

PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now