c h a p t e r: f o u r t e e n

155 3 0
                                    

2016 SUMMER

BEA

"Merong nanliligaw sakin.." sabi ko at natahimik naman si Jho nung masabi ko yon sabay inom ng beer na hawak niya. Hindi ko mabasa ang emosyon niya ngayon. 

"Ohh. Kamusta kayo?" malamig na sabi ni Jho habang tungga na naman ng kanyang beer.

"Ayon, pinilit niya na manligaw siya pero kaibigan lang talaga ang kaya ko ma-offer sakanya." pag papaliwanag ko naman kay Jho. 

"Same school kayo?" tanong ni Jho.

"nope, taga ateneo siya pero childhood friends kase kami tas friend din nila Mommy yung Mom niya kaya growing up kasamako din siya." sabay inom ng beer namin. 

"Ahh wow!! galing naman non, Gusto mo ba sumama mamalengke sakin mamaya? Mukang aabutin na tayo ng agahan hahaha!" tanong sakin ni Jho. 

"why sa palengke pa? pwede naman sa grocery store?" tanong ko.

"mas mura sa palengke no! tsaka ang dami natin wala akong masyadong allowaance." sabi ni Jho. 

"edi aambagan kita since ako naman nag aya na lutuan mo ko niyan."pag pupumilit ko 

"sige ambag ka pero sa palengke pa rin tayo! HAHAHA" masayang sabi ni Jho. 

"fine! HAHAHA after lunch ko nalang babawiin tong pag pupuyat natin" natatawang sabi ko 

Lumipas ang oras, ang dami na naming napag kwetuhan! Mula sa school, family namin, friends. 8:30am na nang magising na silang lahat, kaya naman bumaba na kami para mag agahan. Pag tapos namin mag agahan, kanya kanya naman kami ng task para mag ayos ng mga pinag kainan namin.

Kahit na sinabi ko na kay Jho na wag na pero pinilit parin niya dahil ganun daw talaga sila kahit saan man sila mag overnight. Bilib talaga ako dito kay Jho! Napaka responsible. After namin mag linis naligo na si Jho para daw makapag palengke na kami. Yung iba naman nag swimming na naman sila! HAHAHA

After ko maligo nasa closet naman na ako nang marinig ko si Maiko at Jho na nag uusap, Oo na mali pero hindi ko naman sadyang marinig eh. 

"mag sabi ka nga sakin ate jho" pag komprontra ni Maiko kay Jho

"Ano na naman yun ineng!!" tanong ni Jho 

"nag puyat ka ba? kasi kung oo, halata ho ineng" medyooo inis na sabi ni Maiko, bakit kaya? 

"Oo na, hindi kase ako makatulog eh. Wag mo sabihin kay Jaja fleece" pag amin naman ni Jho kay Maiko. 

"Haynako ate Jho, sabi ko naman sayo eh. Pero sige na love naman kita eh" sabi ni Maiko

"Yiie!! kaya love kita eh, promise di na to mauulit." sabi ni Jho. 

"Dapat lang ate! Basta mag iingat ka ngayon sa palengke, wag ka masyadong mag papaka pagod, dala ka water at pamunas okay? Lalo na at puyat ka" Pag uutos naman ni Maiko. 

"yess po boss!! Sige na swimming ka na don, intayin niyo Adobo ko!!" masayang sabi ni Jho

After ko mag bihis at marinig yon lumabas naman ako na parang walang narinig at napansin ko naman ang pag ka aligaga ni Jho. 

"Okay ka lang ba Jho?" tanong ko sakanya. 

"uhm oo naman, Intayin nalang kita sa baba tas start ko na din sasakyan." sabi niya

"Osige may kukunin lang ako saglit." at lumabas na siya ng kwarto.

JHO 

After ko maligo at makapag bihis nakita ko naman si Maiko sa may couch ni Bea parang hinihintay niya ako talaga. Don't tell menapansin niyang wala akong tulog? 

"mag sabi ka nga sakin ate jho" tanong ni Maiko, galing talaga neto maka sense. 

"Ano na naman yun ineng!!" tanong ko kunyare hindi pero halata naman niya na talaga.

"nag puyat ka ba? kasi kung oo, halata ho ineng" ayan na nga ho ang galit na Maiko.

"Oo na, hindi kase ako makatulog eh. Wag mo sabihin kay Jaja fleece" pag amin ko,magaling na bata. 

"Haynako ate Jho, sabi ko naman sayo eh. Pero sige na love naman kita eh" sabi ni Maiko

"Yiie!! kaya love kita eh, promise di na to mauulit." malambing na sabi ko sakanya

"Dapat lang ate! Basta mag iingat ka ngayon sa palengke, wag ka masyadong mag papaka pagod, dala ka water at pamunas okay? Lalo na at puyat ka" pag uutos naman ni Maiko sakin. 

"yess po boss!! Sige na swimming ka na don, intayin niyo Adobo ko!!" masayang sabi ko para hindi na siya mag alala..

Oo bawal kase akong mag puyat kase mababa ang dugo ko, since hard training kami sa school isa sa umaga at isa sa hapon kaya mapapagod ka talaga kaya kailangan ko ng kumpleto o higit pa na tulog para hindi ako nahihimatay! Kase mga dzai pag nahimatay ako, 3 days akong hindi pinag ttraining ayoko naman ng ganon. 

Kaya nung nalaman ng Team at nila Mama yon ay talagang strikto sila pag dating sa pag pupuyat ko. After lumabas ni Maiko ay lumabas na din si Bea at medyo may pag alala sa muka niya, narinig niya kaya? Lakas kase ng bunganga neto ni Maiko eh. 

"Okay ka lang ba Jho?" tanong ni Bea, eto na nga ba!! 

"uhm oo naman, Intayin nalang kita sa baba tas start ko na din sasakyan." sabi ko at iniba ko nalang ang topic para hindi na humaba. Next time ko na isshare to kay Bea. 

"Osige may kukunin lang ako saglit." pag kasabi ni Bea ay lumabas na ako.

Gaya ng sabi ko ay inistart ko na ang sasakyan, mula sa kwarto ni Bea hanggang sa sasakyan eh medyo hinapo na ako, ayan puyat pa inday! Kaya naman uminom nalang muna ako ng vitamin C. Pag dating ni Bea ay agad naman na kami umalis at pagkarating namin sa palengke. 

"Oh bea iiwan mo na yang bag mo mahablot pa yan"  sabi ko 

"Ah.. ano kase.. may dala ako ng tubig at pamunas" nauutal niyang sabi at nag taka naman ako? 

"kase pawisin akong tao baka matuyuan ako kaya may extra shirt din ako at malamig na tubig para marefresh ako." dugtong naman niya. 

"akin na yung wallet at phone mo ilalagay ko dito sa belt bag ko para halos akap ko lang mahahalagang bagay satin" sabi ko naman sakanya at binigay naman niya agad. Akala ko narinig niya yung usapan namin ni Maiko, AY!! Oo nga pala nalimutan kong mag dala ng tubig at pamunas!! 

after 30mins 

Halos matapos na kami mamili ni Bea at naisip ko naman na dumaan sa may prutas para bumili ng Orange, Banana, Watermelon at saging na saba , balak ko sana gumawa ng merienda namin para mamaya malamang hapon na kami mag kakaayan na umuwi. Dumeresto naman na kami sa sasakyan after mamili. 

"Ah... Jho gusto mong tubig? Ang init sa labas no?" pag abot naman sakin ni Bea. 

"Oo nga eh!! Ang init sobra, salamat!" Pag abot ko ng tubig at bubuksan ko na sana ang aircon nang..

"Wait mag pupunas muna ako ng pawis baka kase matuyuan ako, ikaw eto meron akong extra! Punas ka na din mahirap na baka mag kaubo tayo" sabi naman niya, pero hindi naman siya pinawisan lakas ng trip neto. Kaya inabot ko naman ang pamunas na inaabot niya sakin. 

"Thankyou ha, osiya ano tara na?" sabi ko naman kay Bea. Ang weird ni bakla ha! pero thankful naman ako at ganto ang crush ko sakin!! HIHI <33

_____________________________________________

AKO LANG BA AT SI JHO ANG NAG TATAKA SA INAASAL NI BEA NGAYON?? Abangan.. 

Hi readers!! Thankyou po sa mga sumusubaybay ng story ko!! :)) Vote naman kayo jan para maging cute kayo <3 HAHAHA Vote o Tulfo naman? Chour!! Please feel free to hit that vote!! Sana magustuhan niyo hihi.

love u all, Godbless


 

PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now