c h a p t e r: t w e n t y - s i x

114 1 0
                                    

2016 SUMMER

BEA

Nang matapos sila mag usap ay lumabas naman ako, ramdam at kita ko sakanila ang pag kagulat nila nung lumabas ako. 

"Simulan na kaya natin, mag titimpla na kami ni Maiko" Pag iiba naman ni Jaica dahil sa biglaang pag labas ko. 

"Ah... eh.. ano.. anoo ahh sama na ako para mabilis matapos luto din ako pulutan." nauutal na sabi ni Jho. 

"Kami na ni Jaica ate! May natutunan akong pulutan kanina habang nag kwekwentuhan tayo kaya itatry ko!" sabi ni Maiko at alam kong eto ang way nung dalawa para makapag usap kami. 

Nanahimik ang kwarto nang umalis ang dalawa. Habang nag aayos ako ng sarili ko napansin ko namang kakausapin niya ako nang biglang tumunog ang cellphone niya. 

*on the phone*

Jho: Oh Janelle napatawag ka?
Janelle: Uhm okay lang ba?
Jho: Ahh okay naman

Nang marining ko ang pangalan na yon ay lalo naman akong nawala sa mood. At paulit ulit kong naiisip yung mga tanong sakin nila Maki sa tuwing nababanggit ni Jho yung Janelle kaya naman pumunta muna ako sa balcony para mag pahangin at mag isip. 

Narinig ko naman na dumating na sila Jaica at Maiko galing sa baba para gawin yung iinumin namin. 

"Oh ate Jho? si ate Bei?" tanong ni Jaica

"I'm here. Lumabas lang ako since may kausap siya" sabi ko habang papasok galing sa balcony. 

"Oh hindi pa din ba kayo okay..." sabi ni Maiko habang parang nagets niya bigla na hindi parin pala kami okay.

"Ahhh... ehhh... ano" nauutal na sabi ni Jho

"TARA UMINOM NALANG TAYO!!" pag iiba ng topic ni Jaica. 

 Madami kaming napag uusapan nila Maiko pero hindi parin kami nag iimikan ni Jho. Yep parehas kaming sumasabay ng trip nila Jaica at Maiko, pero ramdam ko na nararamdaman na ni Jaica ang nang yayare. 

Habang nakaka 2 bote na kami ng Gin ay ramdam ko naman na ang pag kahilo, napapansin ko naman na din ang pag ka kulit nung dalawa si Jho naman ay tahimik na din. 

MAIKO

Habang nag titimpla naman kami ni Jaica sa baba, talagang plinano namin na iwan yung dalawa para naman mag kaayos sila. 

"Maiko! lasingin kaya natin si ate Bei? para malaman natin kung bat ba nag aact ng ganya kay ate Jho. Hindi din kase alam ni ate Jho dahilan eh." sabi ni Jaica sakin. 

"Alam mo ang talino mo! HAHAHA sige gawin natin yan tayong dalawa ang mag tagay tas kwentuhan mo lang ng kwentuhan para malibang yung dalawa!" pag plaplano namin ni Jaica. 

Pag katapos namin mag timpla ay umakyat naman kami kaagad, pag pasok namin ay iba parin ang atmosphere nilang dalawa. 

"Oh ate Jho? si ate Bei?" tanong ni Jaica

"I'm here. Lumabas lang ako since may kausap siya" malamig na sabi ni ate Bei. 

"Oh hindi pa din ba kayo okay..." sabi ko at bigla kong narealize na hindi parin talaga sila okay....

"Ahhh... ehhh... ano" nauutal na sa ni ate Jho. 

"TARA UMINOM NALANG TAYO!!" pag iiba ng topic ni Jaica. 

Nang makadalawang bote na kami ay napansin na namin ni Jaica na nalalasing na yung dalawa at umakto naman kaming dalawana kunyare ay lasing at makulit na para hindi mahalata nila. 

Nang maubos na namin ang pangalawang bote, agad naman na tinimpla na ang pangatlong bote namin, 1am palang kaya sinagad na namin na mag last bottle na kami. 

"Alam mo ate Bei napapansin ko kayong dalwa ni ate Jho ha? hindi na kayo mashadong nag papansinan, ano bang problema niyo?" sabi ni Jaica, plano din namin ito para matumbok na to. 

Alam din naman na ni Jaica na gusto ni ate Jho si ate Bei kaya eto parehas na kaming Jhobea shipper!

"Oo nga mga ate ko, pansin ko nga yun!" dagdag ko naman

"Eh eto kaseng si Bea, hindi ako pinapansin" malungkot na sagot ni ate Jho. 

May ugali kase si ate Jho na kapag may nakaaway o nag tampo na imporatanteng kaibigan niya ay naiiyak talaga yon. 

"Eh kase naman ikaw, ang touchy mo sa mga nag papapicture sayo" Lasing na sabi ni ate Bei ang siyang kinagulat ko at ni Jaica.

Ahhh kaya pala kanina.... okay gets! 

_________________________________________________

Gets niyo rin ba? Comment down below! HAHAHA

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee



PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now