c h a p t e r: f o r t y - f i v e

107 2 0
                                    

2016 SUMMER 

BEA

Matapos ang gabing iyon ang iba ay nag overnight kila Jho lalo na sila Maiko at Jaica ang iba naman ay umuwi gaya ko. 

Nandito ako ngayon sa kwarto at napapaisip isip ng mga bagay, yung nangyare samin ni Jho at nangyare samin ni Therese noon. 

*flashback* (2014)

"Therese!! Ano ba bat ba ang tagal mo tara na!!" pag aaya ko sakanya.

Si Therese lang naman ang naging kaibigan ko dito sa San Francisco dahil siya lang ang nakaka intidi saakin ng tagalog. Matagal na din kaming mag kaibigan ni Yrenea mga 3 years old palang kami dahil ang Mommy ko at Mommy niya ay mag kaibigan.

Madami na din kaming pinag samahan kaya naman para mag bestfriend or more likely para na kaming mag kapatid sa dami ng nangyare sa buhay namin. 

"Oh tara na!" pag aaya niya sakin. Papunta kase kami ngayon sa Mall para mag sayang na naman tong kasama ko sa mga damit. 

Habang nag ddrive si manong siya naman ay nag papatugtog ng mga paborito niyang kanta, hay mamimiss ko tong mokong na to. Matatapos na naman ang bakasyon ko dito at babalik na kami sa Pinas. 

"Bei palagi kang mag iingat sa Pinas ha? Ienjoy mo lang ang buhay habang wala ako" sabi niya. 

"Ang oa naman sa habang wala ka, palagi naman tayong mag faface time tuwing saturday at!! palagi naman kaming uuwi dito tuwing summer."  sabi ko naman sakanya at binatukan. 

"sabi ko nga HAHAHA" at natawa namin kami parehas. 

"Promise nandito lang ako Palagi sa tabi mo, wag mo ko mamimiss masyado ha? Promise na hindi kita iiwan at tatanda tayo parehas" sabi na naman niya sakakin, ang advance naman neto mag paalam!

"Hilo ka ba! Parang kapatid ka na namin ni Kuya Loel, syempre mamimiss kita no!! Palagi kitang mamimiss dahil wala naman akong makakausap sa pinas bukod kila Cel at Maki." pag papaliwanag ko naman sakanya. 

"Pero wag Palagi ha?" sabi niya.

"Hoy next week pa kami aalis and advance mo naman mag paalam!"  sabi ko sakanya at binatukan ulit. 

After a week.. 

Paalis na kami papuntang airport, hinahatid naman na kami nila Tita at Therese. Malungkot na naman dahil mahihiwalay na naman ako sa bestfriend/sister ko. 

"bye panget!! Mamimiss kita" malungkot na sabi ni Therese. 

"ganda mo ha? mamimiss din kita!!" sabi ko at nakaka rinig naman ako ng iyak ni Mom, Dad, Tita and Tito na parang mamimiss din nila ang isa't isa. 

"Ano ba yan Mommy hahaha! Daig niyo pa ako na makakamiss kay Therese ah?" Natatawang sabi ko at wala naman silang na response sakin kung hindi iyak lang. 

Habang nag lalakad na kami papuntang airplane ay bigla naman akong tinawag ni Therese at.. 

"BEA!!!" Tumatakbo siya sakin papunta at niyakap agad! 

"Therese naman eh paano kami makakaalis neto?" sabi ko sakanya

"Wag mo ko masyadong mamimiss ha? I love you bestfriend, Palagi." sabi niya ito at bumagsak siya sa harap ko. 

"Therese!!!" Sigaw nila Mom, Dad, Tito, Tita. Anong nangyayare!!! 

Agad naman kami sumugod sa Hospital, tila ba wala akong magawayung bestfriend ko.. Lord bakit siya pa? 

"Ma ano nangyayare bat ganon si Therese?"

"Anak bago tayo mag bakasyon dito, February ng malaman nilang may pancreatic cancer si Therese, matagal na pala niya ito tinatago kaya hindi siya nakapag pa theraphy nung malaman nila Tita at Tito mo ay wala nang chance na gumaling si Thereses dahil kumalat na ito sa buong katawan niya." pag papaliwanag ni Mom. 

Hindi pwede to, umiiyak ako ng malakas sakanila dahil hindi ko matanggap ang nangyare sa bestfriend ko. Kaya pala simula nung umuwi ako ay sobrang sweet at palagi siyang nag aaya umalis at icherish daw ang moment namin yun na pala ang mga last memories namin parehas. 

Pero nung maidala na si Therese sa Hospital ay wala na itong buhay, labis ang pag iyak naming lahat dahil hindi namin matanggap ang lahat. 

Masyadong masakit ang mga pangako niyang palagi siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan. 

*end of flashback* 

Agad naman ako napailing nung maalala ko yon. Ang bestfriend ko.. namatay sa harap ko.. 

______________________________________________  

Short Update lang muna hehe!! Nag edit kase ako ng video namin para sa campaign huhu. 

Stay safe everyone!! Godbless

Follow me on my stan social media accounts

Twitter: IsabelLouissee
IG: isabel.louissee





PALAGI (JHOBEA)Where stories live. Discover now