Kabanta 7

160 8 287
                                    

Kabanata 7

Kahit Malabo

"Drink up, Chezka. Bumangon ka diyan."

"Nasaan ba si Nath, kuya?" nakailang tanong na ako kay kuya Zeke. Bitbit niya ang isang tray ng pagkain. Wala akong gana kaya kahit ang uminom ng tubig lang ang pakiusap niya.

"Hindi ko nga sabi alam. Kanina pa siya hinahanap ni kuya Isaiah."

Sumimangot ako. Gabi na. Paggising ko kaninang umaga ay wala na siya samantalang natulog pa akong nandito siya't binabantayan ako.

"Eh, si Kuya Isaiah? Nasaan rin siya?" hindi ko pa siya nakikita mula ng magkamalay ako kagabi.

"He's fixing things. Darating din iyon."

Tinanggap ko ang tubig. Uninom ako saka sumandal dahil wala naman akong magagawa. I don't have all my things here. Kung nasaan man din ang sasakyan ko, hindi ko pa naitatanong. Baka nandoon pa kung saan ako nasiraan.

"Chez..." mahinang boses na tawag ni kuya at umupo sa gilid ng kama. "I'm sorry for all the things I have said yesterday. Hindi ka dapat umakyat ng cliff. Hindi ko dapat sinabi lahat-"

"I understand, kuya. I'm not mad."

Nandito pa rin ako sa ospital at hindi ko alam kung kailan pa ako makakalabas. Marami akong gustong itanong tungkol sa bagay na naiwan ko sa labas pero may bahagi sa akin na natatatakot magtanong. Hindi ko rin maintindihan.

Maya't maya'y bumukas ang pinto. Sa pag-aakala kong si Nath ito, mabilis akong umupo sa kama pero hindi pala. It was kuya Isaiah na bakas sa mukhang namumroblema.

"Nagpunta na ba rito si Nathaniel?" agad niyang tanong.

Walang sumagot sa amin ni kuya Zeke, marahil ay tulad ko, binabasa niya rin sa mga kilos ni kuya kung anong nangyayari.

"Hindi ko siya nakita sa labas." tila sagot niya sa sariling tanong.

"He's not coming yet. Hindi rin matawagan."

Lumapit sa kanya si kuya Zeke at bahagya silang nag-usap. Hindi ko maiwasang ipilit na may marinig sa kung ano mang pinag-uusapan nila pero sa hina nito'y para bang sinasadya talaga nilang kailangang wala akong marinig. Bumukas ulit ang pinto at hawig ni Nath ang pumasok. Nagtama agad ang mga mata namin ni Dr. Ethan pero ang dalawang kuya ko lang ang pinansin niya.

Sa inis ko at pagkabahala, tumikhim ako ng malakas para maagaw ang atensyon nilang tatlo.

"Where is Nath?" tanong ko. Alam kong may nangyayaring hindi maganda. Nababasa ko sa mukha nilang lahat.

"Umuwi muna siya." it was Dr. Ethan. Ang mga kapatid ko'y hindi ako magawang tingnan.

"Saan?" sa bahay niya? Sa lugar nila? Saan siya umuwi?

"Sa Claver. Kasama niya si Nathalie."

"Kailan daw siya babalik rito?" ang boses ko ay may halo ng nginig. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako dahil iba ang nararamdaman ko.

"He'll call you up. Hintayin mo lang ang tawag niya."

"I don't have my phone. Hindi ko alam kung nasan ang mga gamit ko."

Hinuli ang mga mata ni kuya Isaiah. Mabibigat ito na parang may gusto siyang sabihin.

"Kukunin ko muna ang mga gamit mo."

"Sandali, kuya." pinigilan ko siya sa sana'y paglabas niya ng pinto.

"Chezka." si kuya Zeke.

"Anong nangyayari?" hindi ko napigilang tanong.

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Where stories live. Discover now