Kabanata 6

139 7 283
                                    

Kabanata 6

Battle

"Hindi ba pwedeng makita ko ang lupain ko?"

Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Allen. Halatang maging siya ay nagulat rin. Anong sinasabi niya? Lupain niya? Siya ba ang tinutukoy nitong pinsan niya? Kaya sinabi ni Nathaniel na kilala niya ang kliyente ko? Damn like hell!

"Lupain niya?" tanong ko rin kay Allen. He stepped forward, tila nag-isip ng sasabihin bago tumikhim.

"You know him?" tanong niya sa akin pabalik habang nakatingin sa bagong dating. Of course I know him!

"Sa parehong institusyon kami nagt-trabaho." tipid kong sagot. Nakita ko kung paano sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Nathaniel.

"Why would you ask me the same question so that I can properly give you the exact details why we know each other, Allen?"

Binusisi ko ang mukha ni Allen. Wala na itong halong gulat pero ang inis ay unti-unti nang humuhulma.

"Hindi mo na ito lupain ngayon, Nathaniel. Nabili na namin ito sayo. Ano pa't nandito ka para akuin ang lupaing nabayaran na ng matagal sayo?"

Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko na maiwasang pareho silang tingnan na may halong tanong sa mukha ko.

Humakbang siya para tuluyang makalapit sa amin. Nanatili ako sa pwesto ko habang nilampasan niya ako at matamang tinitigan ang malawak na palayang nasa harapan namin.

"Hindi naman lahat ng lupain ay kailangang lote ang tinutukoy."

"Huwag kang gumawa ng eksena. Bayad na sayo ang lupang ito." matigas na wika ni Allen.

"This land is yours. Itong lupa lang."

"Ano bang pinupunto mo?" halata na talaga sa boses ng kasama ko ang inis.

Nilingon ako ni Nathaniel. Saktong sa likod niya ako nakatingin kaya mabilis na nagtama ang mga mata namin. "I'm talking about my territory. Teritoryo ko." aniyang hindi ako nilubayan ng titig.

Tumikhim ako. "You're not family related right?" kay Allen ako nagtanong na mabilis niyang inilingan.

"Nabili namin ang lupang ito nakaraang taon. Hindi ko alam kung ano pang ipinaglalaban niya."

Isang ngiti ang kumawala sa labi ni Nathaniel. "Siya." aniyang tulad kanina ay sa akin pa rin nakatingin.

Mas lalong nagtalo ang utak ko. Gusto kong umiwas ngayon mismo pero ayokong isipin ni Allen na may hindi magandang nangyayari sa pagitan namin. Pero ano nga bang pakialam niya kung siya mismo ay halatang may inis sa lalaking ito?

"This property is not yours. Ano pang ginagawa mo rito?" pormal kong tanong.

"Tatanawin ng huling beses? Bago tuluyang masira kalakip ng mga ala-ala."

Napalunok ako. Come on, Nathaniel. Tama si Allen. Stop making a scene!

"Hindi masisira. Hindi ako papayag na-"

"We'll talk about this privately, Franchezka. Wala ng kinalaman pa si Nathaniel kung ano ang gagawin sa lupang ito." agad akong pinutol ni Allen. Mabilis naman akong sumang-ayon. At bakit nga ba naman ako magpapaliwanag pa sa kanya.

"I will talk to your cousin. Privately." sa halip ay desidido kong sagot.

"Sinabi ko na sayo-"

"Then I'm backing off. Ganyan lang kadali. Kung hindi mo maihaharap sa akin ng maayos ang kliyente ko, walang deal na mangyayari."

Lover's Distance (sequel of Lover's Leap)Where stories live. Discover now