"This is for you mom!" magkapanabay na turan ng mga ito.
Yinakap at hinalikan niya ang mga ito."Oww..thank you,.Where's your dad?" tanong niya sa mga ito ngunit nagsipag-kibit balikat lamang. Tumayo ang mga ito sa tabi niya.
Luminga siya sa paligid, at tila kinabahan siya ng makita si Johny na naglalakad patungo sa kanila. May dala itong isang pumpong ng mga rosas. Nakangiti ito sa kaniya, tila napaka -presko nitong tingnan.
"Good morning sweetheart!" bati nito sa kaniya. Hinalikan siya nito sa labi na nagtagal ng isang minuto. Narinig nilang naghagikhikan ang mga bata. "Why are you laughing, uhmpp.?" nakangiting tanong ni Johny sa mga ito.
"Nothing Dad, it's just that...were excited, right JM?" turan ni MJ
"Yup!"sagot naman ng isa.
Tumingin si Johny kay Maxene.
"Para saan ang mga ito, Johny?" namamanghang tanong ni Maxene.
"Why?masama bang magbigay ng bulaklak?" ngingiti-ngiting tanong ni Johny. "Okey..kids why don't you turn around and pakita niyo kay mommy ang secret natin."
Tumalima agad ang kambal. Pumunta ito s harap ni Maxene at naunang tumalikod si JM.
"Will you please marry our Dad, mom?" ang mensaheng nakasulat sa papel na nakadikit sa likod ni JM. Napatingin siya kay Johny, at matamang tumitig din ito sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay.
"Your turn MJ!Show to your mom now!" utos nito sa isa. Tumalikod naman ito sa kaniya at...
"Please say Yes mom, he wants to be with you, with us for the rest of his life!" ang mensaheng nabasa naman niya sa likod ni MJ. Kinakabahan na naiiyak na si Maxene at pigil niya ang kaniyang hininga sa mga susunod na mangyayari. At ng luminga siya sa paligid ay nakita niya si Kathleen at ang mama nito. Nakangiti ito sa kaniya at tila naluluha naman si Mrs. Agustin.
"Okey kids, it's my turn." humarap ang kambal sa kanila.
Hinawakan ni Johny ang dalawa niyang kambay at dinala sa dibdib nito.
"From the very start you caught my eyes Maxene. I kissed you that night hindi dahil parusahan ka kundi sinabi ng puso ko na angkinin ang mga labi mo. Since then, minahal na kita at mahal pa rin kita hanggang ngayon. Ng umalis ka, I had so much pain in my heart dahil sa nalaman ko, pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang pagmamahal ko sayo." tumigil ito sa pagsasalita ng makitang dumadaloy na ang luha sa mga pisngi ni Maxene. Pinahid nito iyon sa pamamagitan ng mga daliri nito. "The only person who could ease the pain in my heart is the same person that who made me cry most. And...that's you Maxene. Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi pwedeng hindi na kita makita pa. Dahil pano ko pa masasabi na mahal na mahal kita noon at magpahanggang ngayon."
"Johny..." tanging nasambit ni Maxene na patuloy ang pagdaloy ng mga luha.
Ngunit pinigilan siya ni Johny. "Sshh..Let me finish sweetheart."
"That too long Dad!" narinig nilang sabi ni JM, na ikinangiti ni Maxene. Tiningnan ito ni Johny.
"Ofcourse buddy!Para makumbinse ko si mommy!" tugon ni Johny dito. Tinaas naman nito ang dalawang kamay. "Ng malaman kong babalik.ka dito sa San Ignacio. Labis ang tuwang nadama ko, dahil mabibigyan ako ng pagkakataon na makapiling ka muli. At kahit ipagtabuyan mo pa ko o pagsabihan ako ng masasakit na salita hindi iyon magiging dahilan.upang tumigil ako sa pagpasok muli s mundo mo. At ng malaman kong bukod sa pagbabalik mo ay makikita ko ang mga anak ko, natin. Mas lalo pa kitang minahal at nangako ako.s sarili ko na gagawin ko ang lahat upang tanggapin, patawarin at muli mong mahalin." Hinawakan ni Johng ang kaniyang pisngi at masuyong inangkin ang kaniyang mga labi na tinugon rin niya. Ilang saglit pa at pinakawalan nito ang kaniyang labi, hinawakan ang kaniyang mga kamay at dahang-dahang lumuhod sa kaniyag harap.
Natutop niya ang kaniyang bibig at tuluyan ng naiyak. May dinukot si Johny sa bulsa at binuksan sa harap ni Maxene. Isa iyong diamond ring na kuminang ng masilawan ng sikat ng araw.
"Gusto kong maging opisyal na tatay nina JM at MJ at ng mga magiging anak pa natin. Gusto kong makasama mo mula sa paglilihi , pagbubuntis , at pagsilang ng magiging anak pa natin. Gusto kong makasama ka hanggang sa pagtanda, for the rest of our lives and to be with you everyday, everynight. " saglit na tumigil si Johny at pasimpleng nagpunas ng nangigilid na mga luha."Maxene Sebastian, I love you, kayong mag-ina ko.....will you marry me, sweetheart?"
Madamdaming turan ni Johny na tuluyang ikinahagulhol ni Maxene. Yumuko at lumuhod na rin si Maxene sa harap ni Johny.
"Sinaktan o linoko mo man ako Johny, hindi sapat yun para mawala ang pagmamahal ko sayo. " masuyong hinaplos ni Maxene ang mukha nito. "Ng malaman kong buntis ako, mas lalong naramdam ko ang pagmamahalan natin. Oo, inamin ko nagalit ako,.pero ang galit na yun.ay panandalian lamang dahil mas matimbang parin ang pusong nagsasabi na huwag kang kalimutan.at patuloy pa ring pangalagaan pagmamahal na inilaan para sa atin." dinampian ng halik ni Maxene ang noo ni Johny. "Bukod sa kambal,gusto kong maging ina pa ng magiging anak natin. " sunod na.dinampian.niya ng halik ang tungki ng ilong ni Johny. "Gusto kong ikaw ang makasama namin habambuhay." dinampian niya ng halik ang pisngi nito. "And Johny Agustin, Mahal na mahal kita. Sa harap ng mga anak natin gusto kong sabihin sayo na hindi ko kakayaning mawala ka pa sa amin. And Yes,.I will marry you Johny and I love you so much!" si Maxene na mismo ang humalik sa labi.ni Johny na tinugon naman ito ni Johny. Ang simpleng halik ay nagtagal.at natigil lamang iyon ng pareho.silang kapusin ng hininga. Tinawaga ni Maxene ang kambal at pinalapit ang mga ito at ikinulong ang mga ito ni Johny sa kaniyang mga bisig.
Isang ngiti ang natanggap ni Johny mula sa kaniyang ina at kapatid. Napatingala siya at hindi napigilan.ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Luha ng isang kaligayahan at pasasalamat.
"Are you crying Dad?" narinig nilang tanong ni JM na nakatingin kay Johny. Hindi nakasagot si Johny. Hinaplos ni Maxene ang kaniyang pisngi at pinunasan ang kaniyang luhang dumaloy doon.
"Men don't cry Dad.!" Inosenteng turan pa nito.
"Son, daddy is just so happy for having you all.You, MJ and your mom made me happy! " sagot niya dito.
"Then why are you crying if your happy dad?" tanong pa nito.
Ginulo ni Johny ang buhok nito. "Tears is not about sadness kids. Sometimes crying, is the way of expressing our feelings. Either sadness or happiness."
"Tsk. I don't understand Dad."
Napangiti si Maxene at ganun na rin si Johny. "I love you!" bulong ni Maxene kay Johny. Tinugon iyon ni Johny ng isang mahigpit na yakap.
"True love still exists, right ma?" turan ni Kathleen sa kaniyang mama. "Look at them,.they really happy and deserve nila yun."
Matamang tinitigan si Kathleen ng kaniyang ina. "Yes, true love really exists iha. And I'm sure your true love just always there.At kapag dumating ang araw na yun, don't hesitate to accept it and don't waste your time arguing for it!" tinapik siya nito sa balikat at lumapit ito kanila Johny. Naiwan siyang nag-iisip ngunit ipinagkibit-balikat lamang niya iyon at nagtungo sa mga ito. "Hey guys, group hug naman diyan!" sigaw niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 68
Magsimula sa umpisa
