Prologue

15.4K 224 4
                                    

"Lubayan mo na ko!"


Padabog akong nag lakad papalayo kay Ethan. Simula nung nalaman kong may nakaraan sila ni Zarianna, hindi ko na siya kinausap pa. Umaakto lang ako sa harap ng magulang namin na okay kami at nagkakasundo. Pero hindi! Hindi na kami magkakasundo pa.


"Shan, wait lang naman!" rinig kong sabi niya. Mas binilisan ko pa yung lakad ko hanggang sa matanaw ko na yung sasakyan ko. Bakit ba ang layo ko nag park kanina?!


Bubuksan ko na sana yung driver's seat ng may humila sa wrist ko.


Our eyes met but I immediately looked away. Ayoko siyang tignan sa mata. Ayoko.


Mas nilapit niya ko sakanya pero iniiwas ko pa din yung tingin ko. Tangina naman, Ethan!


Ayoko siyang tignan dahil alam ko na once na tumingin ako sa mga mata niya, alam kong rurupok ako ulit.


Alam kong bibigay ako ulit sakanya


Bibigay ako ulit kasi mahal ko siya


"Ethan, bitaw." Malamig kong saad sabay pasok sa driver's seat at nag drive na papaalis.


No, Shanice. Hindi ka marupok.


Hindi ka na rurupok pa muli kay Ethan.

Married To A Fangirl (FANGIRL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon