We survived two years of our relationship together
I was there when he finished junior high and he's there for me when I finished mine
He's now graduating senior high while I'm grade 11
He took STEM while I'm ABM
Still at the same school pero tinigil na namin yung 1 hour after class
Dad told him na mas ok if we both study in our house together, dad even made one of the guest room as our study area
I met his entire family nung nagbirthday si Astrid
Right now andito kami sa couch sa study area, he's having some rest habang nakasandal sa balikat ko habang ako naman tinatapos yung research namin
"Love ayoko na magaral, lets rest na" sabi nya habang hinahawakan yung kamay ko na pinapangtype ko
"Tapusin ko lang tong chapter na to" pilit ko tsaka sya naupo at tinignan ako
"Niloloko mo ba ako? Sabi ko rest na tayo tas isasagot mo sakin pagtapos ng chapter na yan, eh rrl ginagawa mo" sabi nya tsaka nagpout kaya natawa ako
Napatingin kami nung may kumatok sa pinto at kasunod nun ay ang pagbukas
"Dito ka nalang kaya tumira Ash" biro ni daddy kay ash na agad naman lumapit para magmano
"Pwede ba tito?" Birong tanong ni Ash kay daddy
"Pwede naman sakto naghahanap kami ng hardinero" sagot ni daddy kaya natawa na ako
Nasanay na ako sa biruan nilang dalawa
"Malakas na ang ulan sa labas, sa guest room ka nalang matulog" sabi ni daddy kay Ash
Nung nag18 kasi si Ash kinuhaan na agad sya ng license kaya sya nalang nagdadrive
Paginaabot ng ulan dito lagi naman pinapatulog ni daddy sa guest room, delikado din kasi magdrive lalo na malakas ulan
He always have spare clothes sa sasakyan nya
"Sumunod na din kayo sa baba, magdinner na tayo" sabi ni daddy bago lumabas
Niligpit lang namin ng unti yung lamesa namin bago bumaba
"Sir paubos na po stocks, kayo po ba mamimili?" Tanong nung isa naming katulong
Nagkatinginan kami ni ash at sabay na nagsabi "Kami na bukas"
We made it a hobby na maggrocery, minsan ay para sa bahay namin at minsan ay para sa bahay nila
Natutuwa lang kami kada naggogrocery kasi pagkatapos mamili tatambay kami sa food court para magfoodtrip
"Ayan na pala eh" sagot ni daddy
Sabay sabay kami kumain pagbaba ni Gia
Kung ano ano lang pinagusapan bago kami nagpasya na magsitulog na
Dumeretso na ako sa kwarto ko habang si Ash naman ay dumeretso na din sa guest room para matulog
Paggising ko nakayakap na si Ash sakin kays ginising ko sya baka mahuli sya ni daddy dito
"Nagikot na daddy mo kanina, nakita nya na ako sa kwarto ko" sagot ni Ash habang hinihila ako pabalik sa kama
"Wow ha kwarto mo talaga agad" biro ko tsaka sya tumango
"Bangon na love, maggogrocery pa tayo diba" sabi ko tsaka nya lang ako tinigilan sa kakahila
Dumeretso na ako sa CR para maligo
YOU ARE READING
Holding Unto You
RomanceFirst Generation #2 Are you ready let go of the love that keeps you going and be selfish to choose your happiness even for once or let it slide for an innocent child? Can Ana face all the problems who comes in her life all at the same time? She need...