chapter 13

77 8 0
                                    

After ilang days lang ay umuwi na din si Ashton pero we decided na sa school nalang magkita pagresume ng class

Sobrang excited ako na pumasok ulit

Nakita ko agad si Ash na nakaupo sa may table pagpasok ng campus

Tumakbo ako papunta sa kanya and hug him

"Miss me?" Tanong nya while I'm still hugging him and I nod

"Lover boy!" Biro ni Mark na kasama ni Alice na nakangiti din sakin

Napako yung tingin ko sa bag ni Alice nakasabit sa kabilang balikat ni Mark

Hindi ata napansin ni Ash yun pero nakita ni Alice kung saan ako nakatingin

Tinignan ko sya na parang nagaasar pero inirapan nya lang ako habang yung dalawa busy na magkwentuhan

Unti unti akong lumayo kay Ash para di nya mapansin, nakaakbay kasi sya sakin pero nung inalis nya yun nakaalis na ako

"Ano yan ha?" Pangiinis ko kay Alice habang nakatingin parin sa bag nya na bitbit ni Mark

"Kinuha nya sakin habang pababa kami ng sasakyan" explain nga kaya lalo akong napangiti

"So sabay kayo pumasok?" Pangiinis ko tsaka sya huminga ng malalim at umirap ulit

"Para ka ring si Ash" napalakas yung sabi nga kaya napatingin yung dalawa samin

"Parehas kayo grabe kung magmahal" dugtong nya bilang palusot kaya napapigil nalang ako ng tawa

"Hatid na kita?" Ash asked me paglapit sakin

"Tara hatid na natin tong dalawa" sabi ni Mark at sinadyang ipakita kay Ash yung bag ni Alice na bitbit nya

"You want me to carry your bag?" Tanong ni Ash habang naglalakad

"No need, kasama sa outfit ko yung bag ko" sagot ko tsaka nya hinawakan yung kamay ko

Sakto naman na lumingon si Mark para siguro mangasar

"Alice, you want me to hold your hand?" Obvious na ginagaya nya si Ash sa pagkakasabi nya

Siniko lang sta ni Alice sabay hila ng bag nya na nasa balikat ni Mark

"Go inside" utos ni Ash pagtapat sa classroom namin

Si Alice naman dere deretso na sa upuan namin

Binitawan ko na yung kamay ni Ashton para sana pumasok

"I love you" sabi ni Ash sakin which is rinig din nung ibang nasa paligid namin

"I love you too, pumunta na kayo sa room nyo" utos ko and he smiled at me

"ALICE! AKO WALANG I LOVE YOU?" sigaw ni Mark sa may pinto

Nagulat ako nung hilahin ako ni Ash pagilid kasi mag dumaan na kung ano sa tabi ko

Binato pala ni Alice si Mark ng notebook

"Alicessandra!" Tawag ni Ash kay Alice kaya tumayo si Alice para kunin yung notebook

Yumuko sya sa may harap ni Mark kung san nalaglag yung notebook

Pagtayo nya natawa kami ni Ash nung pinukpok pa nya si Mark nung notebook kahit di pa tapos sa paghimas si Mark ng parte na natamaan nung binatong notebook

"Double kill" biro ni Ash kaya mas natawa kami

Nakita namin na naglalakad na yung teacher namin palapit kaya umalis na din sila Ash at Mark

After that day bumalik nalang kami sa usual routine namin na puro asikaso ng studies

Katulad ngayon na monthsarry daw namin sabi ni Ash pero di kami makapagdate kasi may nga icocomply pa sya

Holding Unto YouWhere stories live. Discover now