18

11 0 0
                                    

HUANG RENJUN'S POINT OF VIEW

Bumaba lang ako saglit tumba na agad siya.Napangiwi ako at inilapag ang tray ng lugaw at tubig sa tabi ng computer niya.

Lalapitan ko sana siya ng may lumundag papalapit sakin, napasigaw ako ng wala sa oras.Napitlag naman si Yangyang at napabalikwas.

Naestatwa ako ng makitang umiikot sa binti ko ang isang pusa."Leon come here!"saad ni Yangyang at tinapik-tapik ang tabi niya, agad namang umakyat ang pusa sa tabi niya.

"Buti pa yung pusa masunurin samantalang yung amo niya"saad ko't inilapag ang gamot sa tabi nung tray.

"Okay lang naman kasi ako, nagawa ko pa ngang pumunta sa bahay mo kaninang umaga, kaso wala ka na."nangunot ang noo ko, "Sira ulo ka ba?"ngumiti lang ito at humigang muli at binuhat yung pusa papunta siya dibdib nito.

Kinausap nito ng parang baby yung pusa at hinalik-halikan ang ulo't ilong nito.

Boyfriend material.

Ano kamo?

Napailing ako at binuhat ang tray papalapit sa kaniya.

"Susubuan mo ba ako?"saad nito at ngumiti, umirap ako't umiling."Asa ka, di porket mabait na ako sayo magkaibigan na tayo."

"Straightforward, grabe naman sakit nun di pa pala tayo friends."saad nito't ngumiti saka umupo at ibinaba ang pusa.Kinuha niya ang tray sa akin at ipinatonh sa hita niya.

Kumain siya at inubos ang pagkain, ininum din niya ang gamot niya.

"Kaya mo siguro ako pinapunta dito para may tagaalaga ka."saad ko, grabe naman kasi si Sir Ten, kung ako yun, harap-harapan na akong niloloko kahit pa open relationship kami.Makikipaghiwalay talaga ako.

"Hindi naman, nalimutan ko nga na may sakit ako nung pauwi na tayo."saad nito't napakamot ng batok.

Kaya siguro sunisiksik siya kanina

"Yangyang?"

"Hmm?"

"Hindi sa pinangungunahan kita pero bakit hindi ka makipaghiwalay kay Sir Ten?"saad ko, napatulala siya sa akin, at ibinaling patagilid ang ulo.

"What?"

"I know it's hard for you, kasi ganiyan din si hyuck nung nagkaboyfriend siya pero i see your hurt, pinapaalala ko lang di lang si Sir Ten ang makikilala mo't magugustuhan.."napatigil ako ng pagsasalita ng tumawa siya.

Nagagawa niya pang tumawa?

"Ano ba kami sa tingin mo?"napakunot ang noo ko sa tanong niya."Aren't you two together?"saad ko't lalo lamang siyang napatawa sa sinabi ko.

"He's my bestfriend, I don't even like him, saka si Johnny hyung, fiancee niya yun, and i won't even try to do things with Chittaphon, like Johnny hyung is so scary, like i won't even like to get him mad."saad nito.

Parang tumigil ang mundo ko ng magsink in sa akin ang mga sinasabi niya.It means?

But?

What about the 'baby' pet names?

"Baby..."

"Ha?"

Napailing ako at natahimik.Humiga siya at kinausap uli yung pusa."Gusto mo manood?"umiling ako.

Ano ba naman tong iniisip ko

"Louis baby come here!"saad nito at isang matabang puting pusa naman ang lumundag sa tabi ko.Naghiss siya sa akin, kaya medyo nagitla ako.Lumapit rin yung isang pusa sa akin, at nahiga sa tabi ko habang nakaunan sa hita ko.

"Gusto ka niya"sabi ni Yangyang at may pinindot-pindot.Nagbukas naman ang ilaw at ang tv niya.

"That's cool"

"Yes, I'm cool"umirap ako at umupo ng maayos."Ano ba gusto mo panoorin?Ikaw na pumili"sabi nito at iaabot sana ang cellphone niya sa akin, nagpop up ang keyboard niya na nagpakunot ng noo ko.

Kailan to?

Ako yung background ng keyboard niya, stolen shot.

"May alam ako, ahhh shit"saad nito't hinablot ang cellphone niya sa akin.

Tumingin ako sa kaniya, "No homo bro ang ganda lang kasi pang background."sabi nito at ngumiti ng bahagya.

Akala ko naman

"Syempre ako yan maganda talaga yan"sabi ko, napatawa naman siya, pero bakit parang pilit?

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon