4

19 0 0
                                    

HUANG RENJUN'S POINT OF VIEW

Walang nagsasalita, Hindi ako marupok.

"Jun!"

"Hwang Ronjeon"

"Renjun!"

"Renjunnie"

"Renato!"

Tama na yung sakit, sabi ko dati, marupok lang pero di aasa pero nagpapakatang naman ako.

Nakakainis.

Tumayo ako at lumipat ng lamesa, tumabi ako kayna Jaemin.Hindi ako nagsasalita, sunod-sunod din ang subo ko, nakatingin lang ako sa kanila.Kasama niya si Mark sunbae at as usual si Yangyang.

"Nagtatampo ka di ka naman susuyuin niyan."sinamaan ko ng tingin si Jeno at ibinato sa kaniya ang tissue sa gilid ng tray ko.

"I somehow understand you naman Renjun, pero if lumayo ka, lalo lang ding lalayo si Hyuck sayo.Isipin mo yun, wala ka na nga jowa wala ka pang bestfriend."sabi ni Jaemin, kinagat ko ang labi ko at tumigil na sa pagkain.Nakayuko lang ako ng mga ilang segundo saka umalis.

Ibinalik ko na yung tray at duniretso paalis, pumunta ako sa room ng art's club, di ako kasali dito pero pinayagan naman ako ni Sir Ten na magpunta since dito ko naman talaga sumali, napili lang ako ni Jaemin para maging secretary sa council.

"Saya sila diyan ee, edi sana ol.Kabagin sana kayo."saad ko at padabog na inilabas ang mga gamit ko pangpinta.

Inayos ko ang canvas at saka nagsimulang magpinta, hindi katulad ng mga nakaraang pagpipinta ko ay mas madiin ang paghagod ko sa brush, kaya mas matingkad din ang kulay na nailalagay.

Dati nakalma pa ako sa painting bakit ngayon ayaw na?

"Nakakairita!"

"Ang ganda naman niyan!"napalingon ako ng may magsalita.Ano bang problema niyo?Di ba niya magets na ayoko siyang makita?Na nainit yung dugo ko pagnakikita siya?

"Marunong ka pala magpaint"sabi niya at lumapit,agad kong inayos ang gamit ko para umalis ng hawakn nito ang braso ko.

"Alam kong naiinis ka kasi masyado akong clingy kay Donghyuck, Obvious naman, but don't worry i don't like him.May crush na ako bago ko pa siya makilala, and siya pa rin naman"sabi nito.

Binitawan nito ang braso ko."Ang galing mo pala sa ganiyan,pareho kayo ni Chittaphon."nangunot ang noo ko.Sino naman yung sinasabi nito't nagawa pa akong ikumpara?

"Is that your crush?"

"Nope,But he is my best bro"saad nito saka kumuha ng upuan at umupo sa tabi ko.

"Kaya mo ba kong ipaint?"tiningnan ko siya,umiling lang ako.Hindi ko kaya, si Hyuck lang ang taong gusto kong ipaint siya lang.

"Pansin ko kamukha ni Donghyuck yung pinepaint mo, ganiyan mo ba talaga siya kagusto?"tanong uli nito at nag-usisa sa ibang painting sa loob ng room.

"Hindi ko siya gusto, matagal nga hindi."

Napatingin siya sa akin, kunot-noo at nakakiling ang ulo."Mahal ko siya, matagal na."

"I didn't know romanticist ka pala."sabi nito at ngumiti saka muling umupo sa harap ko."You know ayoko sanang saktan ka, pero last night, Mark hyung, asked him out"saad nito at nangalumbaba, habang nagscroll ng picture.

Ayaw mo pa kong saktan niyan ha?

"Thanks for information"saad ko't pinagpatuloy ipinta si hyuck.

Sinabayan akong umuwi ni Yangyang ngayon, since may date nga daw si Hyuck at Mark sunbae.Ayaw ko pa nga sana pumayag kaso kahit naman sabihin kong wag ay nasunod siya.

"Gusto mo sila sundan?"

"Nope, itutulog ko na lang to"

"Ayaw mong malaman kung anong ginagawa nila?"

"Ayaw, masasaktan lang ako lalo"

"Di naman sa pinag-ooverthink kita, what if magkiss sila?"

Huminto ako at huminga ng malalim, pasensya Huang, kailangan mo ng pasensya, matutulog ka ngayon di ba?Di ka pwedeng magpademonyo sa galing Germany na yan.

"Ouy!Natigilan, nagdadalawang isip, joke lang!I feel like di naman gagawin ni Mark hyung yun"sabi niya at tinapik-tapik ako saka ngumiti sa akin.

Napailing ako sa ika ilang beses sa araw na to at saka naglakad na.

Sure ka di ka na nanakit?


Too LateWhere stories live. Discover now