3

16 0 0
                                    

HUANG RENJUN'S POINT OF VIEW

Three days, Tatlong araw na akong naririndi, close na si Hyuck at Yangyang, lagi silang magkasama, tawa dito, tawa doon.

Naiinis na ako, una si Mark sunbae, ngayon naman yung transferee? Seriously?Ganito ba kasaklap ang buhay ko?Gaano ba kasama ang kasalanan nung past life ko at ganito ang parusa?

Dati kami ni hyuck ang magkatabi ngayon, iwan na ako, parang ako pa tuloy ang baguhan na nakikisingit sa friendship ng dalawang tao.

It's not that I hate Yangyang, pero I just hate how he became close, i mean super close to Donghyuck.

Luh selos, pero bestfriend lang naman

Funny, super.

Nahimasmasan ako ng mabali ang lapis na gamit ko sa dalawang bahagi, at pinagtinginan ako sa loob ng office naming mga officers

"Jun kalma lang, di naman mandatory, di mo kailangang magalit"

"Tanga, nagseselos lang yan."

"Ah, lakas ng loob magselos bestfriend lang naman sila"napangiti ako kay Lucas, at ibinato yung kalahati ng lapis ko.

Nakakairita, uulitin ko na naman yung drawing ko.

"Tang'ina di mo naman kailangan manakit"

Umirap ako at pinilas ang page ng sketch book ko, saka isinilid sa bag.

Buong araw akong wala sa mood, para ngang wala nang epekto kay Hyuck na nagsusungit ako sa lahat.Samantalang dati, pag may tinarayan ako andiyan agad siya, tatanungin ako kung bakit, kukulitin ako hanggang sa humupa yung galit ko.

Ngayon?

Ayun, kasama siya ni Yangyang, ang masama pa, kasama din nila si Mark sunbae.

Di sana masarap ulam niyo!

"Uwi ka na Jun?"napalingon ako, si Jeno, yung manliligaw ni Nana.Tumango lang ako at naglakad na.

"Gusto mo sabay ka na samin ni Nana?Maggagabi na baka mapano ka pa pagmag-isa ka lang umuwi."sabi nito, umiling lang ako."Wag na."saad ko't nagpatuloy na maglakad.

Habang naglalakad ay napadaan ako sa convenience store,kaya pumasok na din ako.Bibili na lang ako ng hot pot.

Bumili na din ako ng ramyeon at niluto yun saka umupo sa isa sa mga upuan.

Nakapangalumbaba akong nagcecellphone habang mabagal na kinakain ang malamig nang noodles.

Nakailang refresh na ako ng fyp ko pero di pa rin ubos yung kinakain ko.

Napatingala ako ng may naglapag ng cider sa tabi ko, sinalubong ako ng taong ayokong makita.

"Hinahanap ka ni Donghyuck kanina,kaso di ka niya inabutan kaya sumabay na lang siya kay Mark hyung."sabi nito at tumabi sakin.

Ngumiwi at inubos ang kinakain ko saka tumayo at umalis dala-dala yung basura.

Lumabas ako ng store kasunod siya, nadaldal tungkol sa kung saan-saan, karamihan ay tungkol kay Hyuck.

At lalo yung nagpa-init ng ulo ko.

Seriously?

"Donghyuck kissed me earlier."napalingon ako ng wala sa oras at tinitigan siya ng masama.

"Sabi niya kasi friends na...kami"

"Renjun, may dumi ba ko sa mukha?Hey?"

"Leave me alone, Go away!"sigaw ko't umalis na, hindi ko siya nilingon, binilisan at nilakihan ko lang ang mga hakbang ko.

Punyetang buhay to.

Edi sana ol!

Sana ol hinalikan

Sana ol gusto ni Hyuck

Tang'ina dati si Mark sunbae lang yung iniintindi ko at kahati ko sa atensyon niya, ngayon dumating pa tong lalaking galing Germany, at mas malala pa hinalikan niya!

Tell me you're renjun without telling your renjun

Hindi gusto ni Hyuck

Masaya kayo diyan ee.

Pumasok ako ng bahay at pabalibag na isinara ang pinto,napaupo na lang ako saka ngumalngal.

Tang'ina

Ano bang problema sakin?Bakit hindi na lang ako?Bakit hindi ako?Bakit kailangang dunating pa sila?Bakit?

Tang'ina dinaig ko pa si moira sa dami ng mga bakit ko.


Too LateWhere stories live. Discover now