"Dyan lang sa may bandang playground laney , magkikita kasi kami ni jaydee doon sa ngayon" masayang sabi ko sa kanya habang tinitignan yung sarili ko sa may cellphone,. Mukhang siya lang yung nandito sa loob ng bahay sapagkat sobrang tahimik dito ngayon.

"Ni jaydee?! Hmp sure kana ba sa kanya ngayon queen? Don't get me wrong ah , kaibigan ko si jaydee pero this time I don't know kung magwowork ba yung sainyo kasi you know naman , madaming hadlang at kung ano ano pa at may jie pa sa pagitan niya which is sa pagkakaalam ko ay may malubhang karamdaman at dahilan na din kung bakit nag stay doon si jaydee sa states, ayoko lang na masaktan ka queen kapag dumating sa point na hindi ikaw yung piliin niya" mahabang sabi niya na ikinagulat ko , yung jie may sakit? Napailing iling naman ako dahil nag eecho yung sinabi ni laney na baka dumating sa point na mas piliin niyang makasama si jie kaysa sa akin.

"Saan mo nalaman yan at tsaka bakit parang kilalang kilala mo yung jie laney?" Nagtatakang tanong ko ewan ko ah pero nakakaramdam ako ng kakaiba din kay laney.

Napapansin ko din yung pagnakaw niya ng tingin kay jaydee dati pa at hanggang ngayon pero binabaliwala ko lang yun sapagkat sobrang close nilang dalawa.

"To be honest queen?! She's my cousin ,. Hindi naman sa boto ako sa kanya para kay jaydee ah but if si jaydee ang makakatulong sa kanya na gumaling sa sakit niya at maging masaya siya---- di ko sinasabing layuan mo at ireject mo si jaydee queen ah , alam kong mahal mo siya" seryosong sabi niya sa akin , nakakaramdam naman ako ng kirot sa bawat salitang sinabi niya.

"Laney?! Nandyan ka lang pala! Tara na at may makakalaban na tayo sa pagba volleyball sa labas!" Aniya ni ate abby at nakasuot siya ng jersey shirts.

"Pag isipan mo pa queen , ayan lang ang masasabi ko sayo sa ngayon" ngiti niya sa akin tumango naman ako at nang makaalis siya ay napaupo nalang ako sa may upuan na tila bay nanghina sa aking nalaman.

Baka kaya hindi siya ngayon nagpaparamdam dahil nga sa ganun? Na baka pinili niya na si jie kaysa sa akin.

No queen , Wag kang mag overthink hayaan mong si jaydee ang magsabi sayo at hindi kung sino man kahit si laney pa.

Napabuntong hininga ako and then tumayo na at nagsuot ng sandals , pinilit kong ngumiti kahit papaano at lumabas ng bahay upang pumunta na ng playground.

Kinakabahan ako na masaya habang naglalakad ako sa ngayon , nakatingin lang sa may cellphone at inaantay yung text ni jaydee kung nakarating na ba siya sa tagpuan.

Pagdating ko ay puno ng decorasyon ang paligid at mukhang may confession atang ganap din dito , argh nasaan na kaya si jaydee?

Napatingin naman ako kaagad sa phone ko nang mag notif ito,.

My Jaydee💛

Frances I'm sorry ngayon ko lang nabasa yung text mo btw anong salamat sa flowers? Anyway nandito na ako sa parking lot ng boracay let's have a dinner later sa labas , date tayo ganun?

Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya, bakit niya tinanong yung sa flowers? So ibig sabihin niyan ay hindi siya yung taong nagpabigay nun at makikipagkita sa akin ngayon?

Napatigil naman ako sa pag iisip nang biglang lumitaw sa may harap si Zandro na may dalang bulaklak na rose , nakatingin lang siya ng diretso sa akin at papalapit na siya habang kumakanta ng it might be you.

"Damn! What the heck is this?" Aniya ko sa sarili ko at tila bay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa ngayon.

Kinuha niya ang aking mga kamay ngunit inilayo ko iyon sa kanya.

"Zandro?! So ikaw yung nagbigay kanina nung bulaklak at kung ano ano pa?" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya napuno naman ng tao ang paligid dahil sa pakulo niyang ito.

"Yes frances,. Ahm i just want to say lang through this na unang araw pa lang na nakita kita ay minahal na kita and i just want to ask you if pwede ba kitang ligawan?" Masayang aniya niya tilian at hiyawan naman ang naririnig ko dito sa ngayon.

Lumuhod pa siya habang inaabot ang isang singsing na isang sign siguro na kapag kinuha ko iyon ay pumapayag akong magpaligaw sa kanya.

Napailing iling nalang ako at hinawakan ang kanyang kamay upang itayo siya dahil nakakahiya na sa sobrang daming taong nanunuod.

"So it means na pumapayag ka?" Masiglang sabi niya sa akin habang ako naman ay napatingin muna saglit sa paligid saka mahinang sinabi ang nais kong sabihin sa kanya.

"Zandro I'm sorry but I told you kagabi na I like someone na , please let's just go there sa walang taong lugar ayokong mapahiya ka dito sa harap ng madaming tao----" natigilan naman ako sa pagsasalita ko ng matanaw ko si jaydee sa malayuan.

Halata sa mga mata niya ang pagkadismaya at nakita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

Umalis na siya at kasabay nun ay ang pagtakbo ko papalapit sa kanya , damn ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Jaydee?! Jaydee?! Please wait let me explain! Jaydee?!" Sigaw ko sa kanya , baka kasi akalain niyang sinagot ko si zandro o di kaya pumayag akong magpaligaw dito dahil sa naging reaksyon niya nun mg tinulungan ko siyang tumayo.

Nahawakan ko siya sa may balikat niya at hingal na hingal ako nung naabutan ko siya n ngayon ay panay tulo ang luha.










Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 Tara ml guyz! Hahaha

LOVE , LIES WITHIN YOU (FRANDEESAL)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin