numero, ano ang meron?

12 2 1
                                    

Aba, pakitingin nga mga numero mo.
Isang silip lang kung pantay, mas mababa, o mas mataas sa'yo.
Hindi naman importante ang antas—sadyang ako ay kuryoso.
Gusto lang naman malaman positibo't negatibong aspeto.

Abutin mo ang pamantayang nilalahad.
Tumakbo sa kanilang tulin, huwag kang maglakad.
Bilangin ang oras, salapi, timbang, 𝘣𝘳𝘢𝘪𝘯 𝘤𝘢𝘱𝘢𝘤𝘪𝘵𝘺—
Hindi ka nag-iisang lumalago, huwag tingnan lang ang sarili.

Mga salitang aking binibitawan ay hindi masama.
Anong meron sa numero? Totoo namang wala.
Magsimula kang magbilang: ibon, katawan, tao, pagmamahal—
Huwag aawat hangga't malibang at ika'y matatawa.

Sinabi kong tumawa! Bakit ka umiiyak?
Ang mga salita ko ba'y hindi nagbibigay kasiyahan at galak?
Sa iyong noo'y mga butil ng pawis na tumatagaktak sapagkat kagat
Pa rin ang mga salitang aamin na kailanma'y hindi magiging sapat.

Nasa NotesWhere stories live. Discover now