love language

14 1 0
                                    

Sinabihan na kita na ang tanging makukuha mo ay ang pagmamahal na nais mong matikman, ngunit 'di ako bihasa sa iyong hapag. Malay ko ba kung ang matamis sa akin ay matabang sa iyong panlasa. 'di ka naman nagsasalita, tanging subo at lunok ang iyong ginagawa habang ako'y nakatutok sa isang upuan, nag-aalala kung ikaw ay mabibilaukan.

Tanggap ka ng tanggap ng pagmamahal na 'di mo naman nauunawaan. At kahit nakapikit akong kumakapit nang mahigpit, alam kong kailangan ka nang pakawalan.

Nasa NotesWhere stories live. Discover now