Chapter 87: Mawala ng parang bula

2 4 0
                                    

| Tate's POV |



Shit! Ano bang nangyayari ngayon? 'Di ko matanggap-tanggap. Sinundan naming walo yung dalawa kaso si King na lang yung naabutan namin. Nakita namin siyang umiiyak habang nakalumpasay sa sahig.



"King....." Unang nilapitan ni Bence si King tsaka hinawakan ni Bence yung balikat niya.



"Tavisha broke up with me." Humahagulgol ng iyak si King habang nakaluhod pa din sa kalsada. Bro, tumayo kana dyan, wala tayo sa teleserye. Bakit hinayaan mong umalis si Tavisha?



"Ha? Na-Nag break kayo? Bakit naging unreasonable si Tavisha?" Pati si Kevin na-istress sa nangyari.



"Ano? Tutuloy ka pa ba ng Boston?" Tanong naman ni Tyson habang nakapamewang siya.



"Tumuloy ka, bro. Future mo nakasalalay dito." Pag-sabat ko. Alam niyo naman siguro yung ibig sabihin ko diba? Isa siyang malaking tanga kung hindi siya tutuloy.



Kilala ko si Tavisha, kung galit siya ngayon, mas magagalit siya kapag hindi tumuloy si King. Gets niyo naman diba ako? Future 'to, future nakasalalay dito. Ayoko naman mauwi sa kangkungan yung pinaghirapan ni King... At ayoko din makitang umiiyak si Tavisha.



"Baka nadala lang si Tavisha sa emotion niya. Hayaan mo na, tsaka na lang kayo magusap kapag okay na kayo. Tumayo kana dyan, dude." Sambit naman ni Bence.



"Dude... aalis na ko sa makalawa." Dahan-dahang humarap samin si King pero yung dugo ko mabilis ng init.



"Ay tarantado ka pala. May balak ka ba talagang sabihin kay Tavisha na aalis ka o gusto mong mawala ng parang bula?!" Gusto kong suntukin sa muka si King pero pinigilan ako ni Philip.



Nagulat kaming lahat sa sinabi ni King. Makalawa? Pero hanggang ngayon hindi niya pa din sinasabi kay Tavisha. Ano akala niya sa makalawa dalawang taon?



"Tate, naghahanap lang ako ng tamang oras. Natatako--" Hindi pa tapos mag-explain si King nang tinuluyan kong suntukin 'yang makapal niyang muka.



May pa-surprise-surprise ka pang nalalaman tapos magsisikreto ka lang sa kaibigan ko?



Perfect Match | √Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin