Chapter 52

2K 69 5
                                    

'Third Person P.o.v'

MALALIM NA ANG GABI at ang lahat Ng mga magic users ay mahimbing na ang pag kakatulog dahil sa malamig na gabi.
Maaliwalas ang kalangitan at may munting bituin na nag kikislapan at ang kalahating buwan na marahan na nag bibigay liwanag sa malamig na gabi.

Ngunit panandalian lamang yun dahil Ilang minuto ang lumipas ay natakpan Ng makapal na ulap ang kalangitan na tila ba nag babadyang umulan.

Gumuhit sa kalangitan ang nakakasilaw na kidlat at sinabayan pa yun Ng nakakatakot na kulog na para nang niyayanig ang buong magic world.

Bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang malakas na hangin na kung hindi matibay ang pag kakagawa sa Firenalline Academy ay baka tinangay na ito Ng malakas na hangin.

SAMANTALA.
Naalimpugatan ang Ilang estudyante dahil sa malakas na ulan at nakakatakot na kulog.
Nag silabasan sila sakani kanilang kuwarto at nag tipon sila sakanilang sala.

"Chezz nakakatakot Naman" Saad ni Zariah at agad itong napayakap kay samantha Ng kumulog nanaman.

"Oo nga bakit kaya bigla nalang umulan? Kanina Naman maaliwalas ang langit" yakap sa sariling Saad ni Gail.

"Ganon talaga ang panahon minsan ang akala mong maaliwalas na eh bigla nalang mag didilim at uulan, para lang yang sa ralasyon minsan maganda ang takbo, minsan Naman may bigla nalang dadating na bagyo upang hamonin ang inyong relasyon" makahulugan na Saad ni althea.

Awang ang bibig na napatingin sakanya ang mga kasama Niya at may pagkamangha na nakatingin ang mga ito sakanya.

"Wow ang lalim non ah may pinag dadaanan ka besh" nakakalokong Saad ni sophie.
Inikotan lang ito ng mga mata ni althea at hindi nag salita.

"Let's go to the kitchen and make some coffee or tea" biglang sabat ni max sakanilang lahat. Nag sisang ayon Naman silang lahat at sabay sabay na nag punta sa kitchen Ng kanilang dorm.

Malaki ang dorm na tinutuluyan Nila at kasya ang siyam na katao at may siyam din na kuwarto, ngunit walo lamang silang naroroon at ang Isang bakanteng kuwarto ay para sa princesa Ng elemental kingdom pero nang hihinayang sila kung don Nila patutuluyin ang princesa dahil Alam Nila na hindi maganda ang ugali nito at baka mag away away lang sila.

SAMANTALA sa likod na bahagi Ng Firenalline Academy kung saan may mataas na burol ay may Isang nilalang na nakaupo don at basang basa Ng ulan.
Muling humampas ang malakas na hangin at nag paikot ikot yun na tila ba nagiging buhawi at tumama yun sa nilalang na nakaupo.

Bigla nalang nawala ang namumuong buhawi at nandon parin ang nilalang sa kanyang kinauupuan.
Gumuhit sa kadiliman Ng langit ang nakakasilaw na kidlat at deretsong tumama yun sa nilalang na nakaupo sa burol.

Lumiyap ang nilalang na tinamaan Ng kidlat ngunit agad din yung natupok dahil sa malakas na ulan. At Ng mawala ang usok ay nandon parin ang nilalang na yun at nakaupo parin.

Muling humampas ang malakas na hangin at agad yung naging buhawi at nag paikot ikot, kasabay niyon ang pag kulog at kidlat at mas lalo ding lumakas ang ulan.

Tumama ang kidlat sa buhawi na nag pa ikot ikot sa nilalang nakaupo, hindi nito alintana ang buhawing umiikot sa tabi Niya.
Muling kumulog at kumidlat kaya bahagyang naliwanagan ang madilim na langit.
Bigla nalang may lumitaw na kung ano sa kalangitan at naliliwanagan yun Ng kidlat na hindi mahinto hinto.
Lumipad baba ang kung ano na yun at mabilis na pumasok sa buhawing may kidlat at agad yung tumama sa nilalang na nakaupo sa burol.

Kasabay Ng pagkawala Ng buhawi ay siya ding pag tigil Ng malakas na ulan at pag tigil Ng pag kidlat at pag kulog.
At Ng tuluyan Ng nawala ang buhawi ay siya ding pag sulpot Ng kung sino sa likod Ng nilalang na nakaupo sa damuhan Ng burol na yun.

THE COLDHEARTED GANGSTERQUEEN IS THE LOST LEGENDARY PRINCESS OF ELEMENTALKINGDOMWhere stories live. Discover now