Chapter 45

18.8K 840 76
                                    

DAHLIA

Saviour

Buo na ang desisyon ko. Kailangan kong gawin ito. Makakatakas ako dito.

Kasabay ng pagbukas ng karton sa ibabaw ko ay ang biglaan kong pagtayo kasabay ng pagtangka kong saksakin ang taong nagbukas ng karton ko.

"Love." Umawang sa gulat ang bibig ko at bigla kong nahulog ang kutsilyong hawak ko.

"C-colorad!." Napahikbi ako at akma siyang yayakapin ngunit napatigil ako. Agad nanlaki ang mga mata ko.

Kita ko ang konting dugo na tumutulo sa gilid ng leeg nito. Natingnan ko ang kutsilyo kasabay ng pagsinghap ko.

"Love, ayos ka lang— fvck! May sugat ka! Mapapatay ko ang mga gagong iyon!" Dumilim ang mukha ni Colorad ng mapansin ang mukha ko.

Napapikit ako ng haplusin nito ang sugat doon. Napamura ito bago niya ako niyakap.

Ramdam ko ang tibok ng puso nito, mabilis ang tibok.

Agad naman akong napakalas at dinampian ng palad ko ang dugo sa leeg nito.

"N-nasugatan ka, kasalanan ko!" Hinawakan ko ang damit ko para sirain pero hindi masira bago dinala muli ang palad ko sa leeg nito para pigilan ang pagdugo doon.

"Love, kalma lang. Maliit na hiwa lang 'to." Umiling ako bago siya sinamaan ng tingin.

"Anong maliit lang? Tingnan mo nga at dumudugo pa rin! Kasalanan ko ito!" Natataranta ko nang sabi at alam kong nanginginig ang kamay ko.

Kinuha ni Colorad ang kamay ko at bigla niya akong kinabig sa'kin batok. Pagkatapos ay labi niya ang sumalubong sa'kin bibig.

Napasinghap ako sa pagkagat niya sa ibabang labi ko, kasabay ng pagpasok ng kanyang dila. Hinuli at sipsip niya agad ang dila ko na kinaungol ko.

Naramdaman ko ang pagpasok ng palad niya sa loob ng bra ko at mabilis na sinakop at pisil ang kaliwang dibdib ko.

Muli akong napaungol.

"C-colorad!" Habol ang paghingang napakalas ako sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin ng makita ang ngisi niya.

"I miss you, Love. Let's get out of here." Inayos niya ang damit ko bago pinangko palabas ng karton.

"Colorad, paano mo nalaman nandito ako?" Nakangising tinitigan niya ako bago kinuha ang kamay ko, hinalikan niya ang suot kong polceras.

"Umalis na tayo dito." Mabilis niya akong hinalikan sa'kin bibig bago hinawakan ang kamay ko.

Napasunod ako kay Colorad habang palinga linga ito sa aming dinadaanan.

May baril siya sa kanyang kamay at seryoso ang kanyang mukha.

Ang takot na nararamdaman ko kanina ay nawala dahil nandito sa tabi ko si Colorad.

Alam kong ligtas na kami ni baby. Alam kong hindi kami pababayaan ni Colorad. Alam kong makakalabas kami dito.

"Colorad!" Bigla akong nahila ni Colorad sa isang pader ng may magpaputok sa gawi na'min.

Sunod sunod na baril ang nasa gawi na'min habang nakikipagbarilan din si Colorad sa mga kalaban.

Nakatago ako sa likod ni Colorad. Napahawak ako sa'kin tiyan ng kumirot ito, saktong nilingon ako ni Colorad.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito ng makita ang mukha ko.

"Love, ayos ka lang?" Umiling ako.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanWhere stories live. Discover now