Chapter 26

20.1K 644 21
                                    

DAHLIA

Steve's First Move

"Good morning, Ma'am! Special delivery." Nasa bungad pa lang ako ng entrance nang biglang may humarang sa'kin daanan na isang delivery boy at may dala itong isang bugkos ng pulang rose at pulang box.

"Sir, baka nagkamali ka ng bigay." Sino naman ang magbibigay sa'kin ng mga iyon na mukhang mamahalin pa.

"Miss Dahlia Romero?" Nangunot ang noo ko pero tumango na lang ako.

"Ako nga. Bakit alam mo ang pangalan ko? Stalker din ba kita?" Hinaluan ko ng biro ang sinabi ko na kinangiti at agad na iling ng kausap.

"Para po sa inyo ito, Ma'am. Pakipirma na lang po dito." May nilahad itong notebook na kinatitig ko lang doon at nagsabi pa na hindi ito aalis hangga't walang pirma ko.

Kaya naman ay napilitan akong magpirma doon bago nito binigay sa'kin ang dalang bulaklak at box.

Chocolates ang laman ng box at sinuri ko naman ang bulaklak at may nakita akong pulang notes doon sa may ribbon kaya binuksan ko.

"I am determined to make you fall in-love with me."—Steve.

Napabuga ako ng hangin sa kaalamang galing ito kay Steve. Mamaya ay sasabihin ko na dito ang totoo para itigil na niya ito.

Hindi ko inaasahan na gawin niya agad ito at kay bilis naman niyang manligaw agad sa'kin. Nakonsensya ako sa effort ni Steve ngayon.

Pumasok na ako sa loob na bitbit ang bulaklak at box at gaya ng inaasahan ko ay nagbubulungan na naman ang mga katrabaho ko habang nakatingin sa dala ko na hindi ko na pinansin.

"Dahlia!" Bubuksan ko pa lang ang pinto nang marinig ang boses ni Analyn na kinalingon ko saglit bago buksan ang pinto at pumasok sa loob.

"Good morning, Lyn." Bati ko nang  makalapit sa lamesa at napapitlag ako nang iharap niya bigla ang mukha sa'kin na sinuyod ng tingin ang dala ko nang mailapag sa'kin lamesa.

"Dahlia, ang taray mo, girl! Kanino galing iyan, ha?" Tumaas baba ang kanyang kilay at nanunukso ang tingin na kinahinga ko ng malalim.

"Kay sir Steve." Balewala kong sabi na kinasinghap nito sa gulat.

"What!? As in Steve Williams?" Sinuway ko agad ang pagtaas ng boses nito bago tumango.

"Oo, pero huwag ka munang mag-isip ng mali." Nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka.

Huminga ako ng malalim bago umupo at ganoon din ito at hinarap ako.

"Anong story, girl?" Mukhang interesado siyang alamin ang nangyari at gusto ko rin na may kausap para naman mawala itong mga bumabagabag sa utak ko.

"Kahapon ay naghayag si Steve ng kanyang feelings sa'kin."

"Talaga? May gusto sa'yo si sir Steve? So, anong naging sagot mo?" Umiling ako bago tingnan ang bugkos ng rose at napabuga ng hangin.

"Wala, dahil wala naman akong pagtingin kay Steve."

"Iyon ang naging sagot mo kay Sir Steve!?" Mahina nitong hiyaw na agad kong kinailing.

"Hindi ko na nasabi iyon dahil magulo nun ang utak ko." Kung naging pranka lang ako ay hindi na sana ginawa ito ni Steve.

"Sana sinabi mo iyon agad para hindi na umasa si Sir Steve. Nag effort pa ang tao sa pagbigay nito." Turo niya sa bugkos ng rose at box.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum