Chapter 17

21.9K 796 77
                                    

Dahlia

Girl's Hunting

Habang nakatayo ako dito at walang may nakikita ay medyo kinabahan ako sa klase ng larong ito. Pero hindi naman ako makaurong dahil nandito na ako at isa pa ay nandito din naman si Analyn.

Ano kayang larong ito?

"This game called, 'Girl's Hunting' we already chose the ten most handsome and hot males who will play this game! The game has only one rule, no harassment! Are you ready to meet this men!?" Naghiyawan ang paligid sa pahayag na iyon ng emcee at maya maya pa ay narinig ko ang pagsinghap ng ilang mga kababaihan at rinig ko pa ang pagtili ng ibang babae na para bang kinikilig ang mga ito. "First time lang 'tong mangyari at swerte ang mga girls napili!" Tumili lalo ang mga kababaihan at hindi ko alam kung ano ang tinitilian nila pero hindi ko na pinansin iyon.

"So, let's the hunting begin!" Kasabay nun ay naaninag ko ang pagdilim ng paligid kasabay din ng pagtili ng mga kasamahan kong babae na kinataranta ko at humagilap ang mga kamay ko na pwedeng makapitan pero wala akong may mahawakan.

Napalakad ako sa gilid ko pero biglang may bumunggo sa'kin na kinatumba ko sa sahig. Medyo malakas ang pwersa kaya napadaing ako at parang nawala din 'yong pagkahilo ko.

Kinalas ko ang suot na sapatos at binitbit iyon bago tumayo pero muli na naman may bumunggo sa'kin kasabay ng tili ng isang babae ng may yumapos dito kaya agad akong napalayo.

Naghanap ako ng makakapa pero biglang may humawak sa braso ko at pilit akong niyayakap. Lalaki ito base sa mga kamay nito.

Nagpumiksi ako at iniharang ang kamay sa mukha nitong pilit akong halikan. Kinapa ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at ubod diin kong kinagat ang braso nito bago sipain ang gitna nito kasabay ng pagbitaw nito sa'kin at narinig ko ang malakas nitong mura.

"Argh! F*ck!" Napaatras ako bago tumakbo sa kung saan.

Ilang minuto lang ay nabunggo ako sa isang matigas na bagay at akma akong lalayo ng may malakas na mga kamay ang siyang yumapos sa beywang ko kasabay ng pag-amoy nito sa leeg ko at natigilan ako ng biglang may lumapat na mainit na bagay sa bibig ko.

Umungol ako at nagpumiglas pero nahawakan nito ang likod ng ulo ko para mahalikan ako nito ng madiin.

Napasinghap ako ng kagatin nito ang pang-ibabang labi ko at naamoy ko na lang ang pamilyar na pabango.

"C-colorad.." Naisambit ko at akma itong hahawakan ng bigla nitong itinigil ang halik kasabay ng paglaho nito at ilang minuto lang ay naaninag ko ang pagliwanag sa paligid.

"I'm back, Ladies and Gentlemen! But, how about our five ladies who were hunting by those hot males? How's the feeling?" Kinalas ko ang telang nakapiring sa mata ko.

Kinisap ko ng ilang ulit ang mga mata bago luminaw ang paningin ko at natuon iyon sa baklang nasa gitna na siyang nagsasalita.

Hinanap ko agad si Analyn na nakangiting kumaway sa'kin kaya kinawayan ko din siya pabalik pero napatigil ako ng makitang lumalapit sa kinaroroonan ko ang baklang emcee.

"Hi! What's your name?" Nakangiting tanong nito sa'kin.

"Dahlia." Simple kong tugon na kinatango nito.

"So, Dahlia! Kamusta ang pakiramdam mahalikan ng isang gwapo at makisig na binata?" Natigalgal ako sa tanong nito. Nakita ko ang mapanukso nitong ngiti na kinakurap ko sa hiya.

Paano nito nalamang hinalikan ako?

Namula ang mukha kong umiwas ng tingin ng maalala ang ginawang paghalik sakin. Pakiramdam ko ay nandito pa ang labi nito sa bibig ko.

Hunstman Series #:5- The Cold Hearted HunstmanWhere stories live. Discover now