"If you'll really get hurt in the end, don't you think it's better to get hurt after giving all you've got instead of getting hurt without trying at all? At least, kahit na nasaktan ka, nagkaroon ka pa rin ng chance na maiparamdam sa taong mahal mo kung gaano sila kahalaga." Sabi niya. Napamaang naman ako.

"But you'll still get hurt in the end. What's the difference?" Naguguluhang tanong ko.

"Yeah that's right. If you kept thinking that you'll get hurt, you'll never be happy," tango tangong sabi niya pa.

Tahimik na sumang-ayon naman ako.

"But what if that fear is out of the picture? Don't you think your love will be better?" Tanong niya. Napatungo ako.

"I-I'm not in love." Nauutal kong sabi. Tumawa lang siya.

"Hindi ka pa in love sa lagay na 'yan, ah." Natatawa niyang sabi. Inayos niya ang sarili saka akmang maglalakad na paalis nang matigilan. "Stay here and think about what I said. Nobody knows what the future holds. Don't always think that you're going to get hurt, witch." Nakangisi niyang sabi saka ako iniwan. Napatitig ako sa likuran niya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.

Napatingala ako sa madilim na kalangitan at sa buwan. 'Nobody knows what the future holds, huh?'

Napasapo nalang ako sa aking noo saka mapait na napangiti. Sa isang iglap parang nakita ko ang image nina Lucas at si Olivia. Masayang masaya sila habang kasama ang isa't isa. Kita ang pagmamahal sa mga mata nila.

Para iyong punyal na paulit-ulit na tumatagos sa puso ko.

"I wish I didn't know the future." Mahinang bulong ko saka hinayaan ang pagtulo ng luha sa aking pisngi.

"WHERE HAVE you been?" Walang emosyong tanong sa akin ni Lucas. Walang buhay rin akong napatingin sa kanya.

"Nagpahangin lang ako. Is it not allowed?" Tamad na sabi ko saka siya iniwasan. Dumiretso ako papunta Kay Dion na may kalapitan sa pwesto namin. I handed him the gift that I prepared. Nakangiti niya naman iyong tinanggap.

"Oh, you going home, now? Bro?" Pagkuha ni Dion sa atensyon ni Lucas. Nagpilit lamang ako ng ngiti.

"Kung pwede sana. Medyo pagod na rin kasi ako eh. Happy birthday again, Dion." Pilit kong nilagyan ng buhay ang boses ko. Nakakaunawang tumango naman siya.

Binalingan ko si Lucas na malamig pa rin ang tingin sa akin.

"Did something happen?" Mababakas ang pag-aalala sa mata niya kahit na walang kabuhay-buhay ang expresyon niya. Napabuntong -hininga ako saka pilit na iniiwas ang mata sa kanya.

"Let's just go home. If you still wanna stay, I can just text Mang Kobi to pick me up---" nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa kamay ko.

"No need. We're going home, Claudia." Sabi niya saka ako hinila palabas. Palihim na sinulyapan ko pa si Kali na pinagdidiskitahan yung chocolate fountain at nakakaintinding tumango lang siya.

I bid goodbye to Neri and Irish pero hindi ko na kinayang makipag-usap ng mas matagal. Nanguna ako papasok sa kotse. Nang maupo si Lucas sa tabi ko ay nakakabibinging katahimikan ang pumailanlang sa pagitan namin.

"You were with Khalil Forest." Tila hindi na siya nakapagpigil. I sighed deeply.

"He's a good friend of mine." Walang habas kong sagot. Pumalatak lang siya habang nag-iigting ang panga.

Crazy In Love With The Male Lead - ON HOLDWhere stories live. Discover now