Mabuti nalang at kasama ng concubine ang mga servants niya kaya sila nalang ang tumulong sa kanya na tumayo. Nakita kong initry niya pang kausapin ang walang pakialam sa mundo na si Zhang Wei pero ni hindi man lang siya binigyan ng kahit isang tingin nito.

Wow, what a bastard.

How can he remove an entire lake for me and not give even a single glimpse to his other concubines? Ngayon ko naintindihan ang pagiging sobrang uhaw ng Empress ng atensyon mula sa kanya.

Like bro, kahit kaunting care man lang diyan.

Sa sobrang pagtingin ko sa mga nangyayari ay hindi ko sinasadyang maapakan ang laylayan ng dress ko dahilan para bumagsak ako sa pathway.

"Aray!" I screamed.

"Your highness!" my servants cried.

Shit, karma is real. Sige Chin, tumawa ka pa.

Napahawak nalang ako sa sumakit na tuhod ko at naiiyak na nahimas ito. Ang sakit 'non ha.

Mabilis akong pinagkaguluhan ng mga servants na kasama ko. Naramdaman kong hinawakan ni Mei ang braso ko para tulungan akong mapatayo.

Pero habang hinihila niya ako paitaas ay kaagad akong natigilan nang may biglang sumulpot na kamay sa harapan ko.

Dahan-dahan naman akong napataas ng tingin at laking gulat ko nang makita ang seryosong mukhang iyon ni Zhang Wei.

Shit, anong ginagawa niya dito?! Nakita niya ba ang pagbagsak ko? Nakakahiya. Pero teka, bakit naman ako mahihiya sa kanya? Crush ko ba siya para mahiya ako? Huh, asa.

Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakalahad sa akin ang kamay niya. His silver eyes are serious while looking at me.

"Are you alright?" he asked.

Ngayon ko lang din napansin na nakasuot siya ng black royal robe at korona. At kahit ilang beses ko man siyang makita sa itsura na ito ay hindi ko parin mapigilang mamangha sa kanya. He's now on his full Emperor mode.

Mabilis ko namang binawi ang tingin ko at parang walang nangyari na tumayo sa harapan niya.

"Hah, wala iyon." Sagot ko gamit ang nagmamaang-mangaan na boses atsaka ako namaywang. "Kaunting bagay. Hindi naman masakit. Okay lang ako."

Pero shit, ang sakit ng tuhod ko. Hindi ko alam kung kakayanin kong maglakad sa sobrang hapdi. Pakiramdam ko ay nagkasugat ang mga ito.

His silver eyes just looked at me without any expression on them. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay mukhang tinitignan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Kaya mabilis na akong tumawa ng hilaw.

"A-ano ka ba?" I even stuttered. "Maliit na bagay lang iyon. Hindi masakit—-"

Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay laking gulat ko nang bigla siyang lumapit sa akin.

"H-hoy, Zhang Wei—-I mean, your majesty!"

It's too late.

Naramdaman ko nalang ang sapilitan niyang pagbuhat sa akin in a bridal style sa harapan mismo ng napakaraming servants.

"H-hoy! Ibaba mo ako!!" pagwawala ko sa bisig niya. "Hindi ka ba nahihiya?!"

His serious eyes only turned to me and that brought chills down into my spine. Iba talaga ang epekto ng mga nakakatakot niyang mga mata.

"You're not okay," he said in a serious voice. "I know that your knees are still hurting from the way you fell. Stop pushing me or I'll just execute all of your servants for failing to protect you."

The Wolf King and IOnde histórias criam vida. Descubra agora