Kabanata 8: Warrant of Arrest

151 12 4
                                    

Claude Fernandez POV

Napabalita ang nangyaring engkwentro sa lugar na sinasabi Ethan sa akin. Hindi na ako magtataka, dahil inutusan ko ang lalaking iyon para kumalap ng impormasyon. Mabuti na lamang at direkta agad na pumapasok ang nakalap niyang impormasyon sa database ng firm.

Naglalakad ako sa gilid ng daan nang may biglang tumigil na itim na SUV sa harap ko. Lumukob ang kaba sa aking dibdib ngunit ipinagsawalang bahala ko ang kabang iyon. Bumaba ang isang lalaki, pinagbuksan ang gilid na pinto ng sasakyan.

Nanlaki ang aking mata nang makita ang Alkalde sa kabilang distrito. I smirked at the back of my head. Bakit napadpad ang Alkalde at talagang hinarangan pa niya ako?

"Miss, kakausapin ka raw ni Mayor Concepcion," sambit nang lalaki. "Sumakay na lamang po kayo," dugtong pa niya.

With all due respect, sumama ako, pumasok ako sa loob ng SUV. Hindi iyon umandar, hindi ko rin tinapunan ng tingin ang Alkalde. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana nang magsalita ito.

"How are you, Attorney Fernandez?" He asked, politely.

I raised my brows. "Nothing good, Mayor Concepcion. How do you know me and what do you need, Mayor?" I asked him.

I heard him chortle, "You know, Attorney, I want a clean record in the political society..." panimula niya. I laughed a bit, not minding what he had said.

"I know what you are doing, Attorney." He mumbled. "Stop digging and messing up with my business," matigas na usal nito.

Hinarap ko siya, "Oh? Your business... you mean, dealing with illegal drugs and raping a woman?" I mocked at him.

Nagsalubong ang kaniyang kilay tiyak na natauhan siya sa aking sinabi. "You better shut your mouth, Attorney or else, you'll be dead." malamig na sambit niya.

Threatened, huh. "Huwag mo akong takutin, Mayor. Baka mamaya pag-uwi mo, nakalapag na ang Warrant of Arrest mo," nakangising sambit ko sa kaniya. "If that happens, see you in court, Mayor Concepcion!" nangangahulugan kong sabi bago madaling lumabas sa SUV.

I run as fast as I could para mawala ang biglaang takot sa dibdib ko. Aligaga kong kinalkal ang cellphone sa aking handbag para tawagan si Attorney Martinez.

"Attorney..." simula ko, "I think my life is in danger now, can we meet nearby the firm?" I said, trembling.

Pumayag naman ito. After a minute, nakarating ako sa isang maliit na cafeteria. Nakita ko rin siyang nakaupo roon sa dulo kaya mabilis akong lumpit patungo sa kaniya.

Nang makaupo ako ay kinuha ko agad ang tubig at ininom iyon ng dire-diretso.

"Calm down, Ms. Fernandez." He said, calmly.

Pabagsak kong nailapag ang baso. "How can I calm down, Attorney? That Mayor Concepcion is threatening me," I gasp, hysterically.

"You're a lawyer and that's normal, Claude. Kaakibat nang pinasok mong propesyon ay nakalibing na sa hukay ang kalahati ng katawan mo..." He said, firmly. "Don't let your guard down just because of the opponent, remember your dignity and principle as a lawyer." He scolded. "Anyway, the Warrant of Arrest was sent to Concepcion residence. The police will be there." He informed.

I sighed. "Pupunta ka ba roon, Attorney?" I asked.

"Yes. Actually, pupunta na sana ako kung hindi mo lang ako tinawagan."

I gulped. I want to go with him. Gusto kong makita muli ang mukha ni Concepcion, ang kaniyang reaksyon.

"Sasama ako, Attorney." puno ng pinalidad kong sambit.

Kibit-balikat lang siyang sumagot sa akin at tumayo na siya. Sumunod na lang ako sa kaniya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa malaking mansyon ng mga Concepcion. Maraming pulis ang nakapalibot roon. Hindi na ako magtataka pa sa kung gaano karami ang pulis na naroon ay gayundin ang mga lalaking alipores ni Mayor Concepcion.

Bumaba ako sa kotse ni Attorney Martinez, nakasunod ulit ako sa kaniyang likuran.

"Mayor, iimbitahan ka sana namin sa prisinto dahil may kaunti lang kaming katanungan sa iyo," sabi ng pulis.

Kumunot ang noo niya, "Nagpapahinga ako chief, hindi ba pwedeng ipagpaliban na lang muna?" kalmado ngunit ramdam ko naman ang kaba nito.

"Kaunting sandali lang, Mayor. Kailangan lang po kasi namin ng statement niyo." ulit pa nito. Inilabas nito ang Warrant of Arrest na ikinataka ng Alkalde. "May Warrant of Arrest rin po kayo na ipinadala ng Judge," dugtong nito.

"Anong... fine!" napabuntong hininga na lamang si Mayor bago tumingin sa gawi ko at masama akong tinignan. I just smirked at him.

Sumama na ito sa mga pulis kaya umalis na rin kami sa harap ng kanilang magarang mansyon. Pero bago muling sumakay sa kotse ni Attorney Martinez ay sumulyap pa ako ng isang beses sa kabuuan ng kaniyang mansyon.

"Lilipat ka sa kulungan na wala ang karangyaan. Ang pera mo sa bulsa ay walang patutunguhan..." usal ko. "Hindi na bulag ang batas para lumusot ka ulit sa butas..." dugtong ko at sumakay na. 

Cruelty of Justice (COMPLETED)Where stories live. Discover now