Kabanata 2: Behind the case

208 14 4
                                    

Ethan's POV

Marumi, maangas ang tao sa paligid. Dito sa loob ng kulungan kailangan mong makipagsabayan kung ayaw mong matapos ang buhay mo rito ng walang alinlangan.

Naglilinis ako sa loob nitong maruming banyo dahil maya-maya ay magkakaroon ng bible study. Damn, why do they need to conduct a bible study if the authority doesn't give a fair justice?

"Hoy, Ethan!" pagtawag sa akin ng isang inmate.

I smirked. "Oh? Bakit may kailangan ka?" pabalang kong tanong.

"Pinapatawag ka," sabi niya.

Sino naman nagpapatawag sa akin? Iniwan ko ang walis na hawak ko at lumabas sa may banyo para tignan kung sino ang nagpatawag sa akin. Napailing na lamang ako nang makitang ang gwardiya lang pala.

"Anong mayroon, sir?" tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya.

Sumenyas ito na sumunod ako sa kaniya. Nagtungo kami sa wala masyadong tao na silid. Humarap siya sa akin at tinutukan ako ng baril. Anong problema niya at ganito ako patunguhan nitong putanginang ito?

Namulsa lang ako, nakuha ko na ang pinapahiwatig nito. He's not a guard of this prison cell. He was sent to kill me, huh.

"Kill me, then." I said, coolly. "You want me dead, right?" walang alinlangan kong tanong.

"Pinatay mo ang anak ko! Ginahasa mo siya!" nagpipigil siyang sumigaw dahil baka may makarinig sa kaniya. Ah, ito pala ang ama nang ginahasa ni Mayor Concepcion.

Hinila ko ang baril na hawak niya at itinutok iyon sa aking noo. "Kahit patayin mo ako ngayon, wala akong pakialam dahil malaya pa rin naman na pagala-gala sa labas ang lalaking gumahasa sa anak mo," kalmadong sagot ko.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay, bakas ang lungkot at pighati sa kaniyang mukha.

"Kung papatayin mo ako ngayon, paano mo pa makakamit ang hustisya para sa anak mo na ginahasa ni Mayor Concepcion?" nanghahamon kong usal.

Dahan-dahan niyang binitawan ang baril na nasa noo ko, hinawakan ko iyon at itinapon sa may tabi. Ramdam ko ang sakit at galit na kinikimkim niya dahil ganiyan rin ako noong pinatay ang magulang ko.

Wala silang awa, maging ang batas na dapat ay para sa ikabubuti ng tao. Mga hayop at inutil ang mga nasa politika. Marami silang gawain sa likod ng kanilang maskara.

Ang batas ay para sa mayaman lamang, pero paano naman kaming mahihirap? Paano naman namin masusungkit ang hustisya para sa sarili naming laban? Walang pantay sa isang hukom dahil habang pinipiringan sila ng pera, inosente ka man o hindi, kulungan pa rin ang bagsak ng nakararami.

"S-Sino... hindi ko maintindihan," naguguluhang usal niya. "P-Paano magagawa ng isang Alkalde ang bagay na iyon?" malungkot na tanong niya.

Ngumisi ako. "Hindi lahat ng mga taong sumasalang sa politika ay napagkakatiwalaan. Ang mukha nila'y tago sa isang nakakubling maskara. Para pagtakpan ang mga maling gawain nila sa kanilang sinasakupan," giit ko. "Kung gusto mong alamin ang katotohanan sa paggahasa sa iyong anak, matuto kang mag-imbestiga." dugtong ko pa.

Napailing siya. "May tiwala ako sa Alkaldeng iyon..." pahayag niya. Tiwala? Kapag minsan na itong nasira, ang tiwalang iyon maglalaho na lamang bigla at hindi na maibabalik pa.

"Tiwala?" natatawang tanong ko bago siya tapikin sa kaniyang balikat, "Tatang, ang tiwalang sinasabi mo ay matagal ng patay dahil ang dugong nananalaytay sa Alkaldeng iyon ay isang makasalanan."

You shouldn't trust a person if you're not really fond of them like you don't know what is running into their minds. Pinagkakatiwalaan mo sila in a sense na sila mismo ang bumabaliktad sa iyo. Ang tiwala ay gawa-gawa lamang ng mga politikong nais maupo sa pwesto para humakot ng pera.

Cruelty of Justice (COMPLETED)Where stories live. Discover now