The Day I Met My Krypsonite

3 1 0
                                    

I was so happy to meet my girlfriend right now, dahil ngayon palang kami ulit mag kikita dahil sa work namin. My girlfriend called me earlier and tell that she wants to see me dahil May importante raw itong sasabihin.

I'm Lance 27 years old, And i have a girlfriend, Only Girlfriend.We've been together since we were high school. Masaya ako dahil nag tagal kami ngunit may kaunting lungkot dahil ng may kanya kanya na kaming trabaho ay hindi na kami parating nag kikita.

Masaya akong nakatingin sa kahong maliit na may lamang singsing. This is the right time na mag pro-propose ako. Matagal kona itong gustong gawin ngunit parating busy, at ngayon magagawa kona.

Lumabas ako sa aking kotse ng nakangiti at saka ibinulsa ang kahon.Pagkapasok ko nakita ko si Edonna my girlfriend na nakatungo.

Pinuntahan ko ito. Hinalikan ko ito sa pisnge at nakangiting umupo sa kanyang harap.

Ito ang unang nag salita. "Ah... Lance i have something to tell you" mahinang sabi nito ngunit seryuso.

"Ang seryuso mo naman babe, ngayon ngalan tayo nag kita ang seryuso mo pa, i kain mo nalang yan" Tumatawag sabi ko dito. May sasabihin pa sana ito ng tinawag kona ang waiter.

Pagkatapos naming mag order ay naging tahimik. Bumuntong hininga ako at saka tumayo. Oras na.
Napatingin naman si Edonna sakin ng nagtataka ang mukha.
Inilabas ko ang kahon at saka lumuhod.Napanganga ito at saka parang natataranta.

"Edonna Will you marry me?" Nakangiting sabi ko dito habang naka luhod.
Maraming nanonood saamin kaya parang nahiya ako ng kunti pero keri lang.

I just look at Edonna and isaw tears falling in her cheeks, and I thought it was tears of joy pero iba. Para itong malungkot at nasasaktan.

"Lance I'm sorry" Lumuluhang sabi nito at saka lumabas, Napatanga ako, ang daming nagbubulungan habang nakatingin saakin. ng mahimasmasan sa pagkatanga ay sinundan ko ito.

Naabutan ko ito sa isang gilid na umiiyak, kaya pinuntahan ko kaagad ito.

"Babe, what's wrong? I-I'm Sorry, napa aga yung pag propose ko. Wag mo munang sagotin, hindi kita pipilitin na sumagot ngayon, i can wait hm" Pilit ngiting sabi ko dito habang pinapahiran ang kanyang mukhang basang basa.
"Please wag kanang umiyak, Tahan na" yayakapin ko sana ito ng lumayo ito habang umiiling. Napanganga ako sa ginawa nito.

"I'm sorry Lance, I can't marry you I'm sorry" humahagolgol sa sabi nito.
Nanlumo akong napatingin sakanya. Gusto ko siyang yakapin ngunit nasaktan ako sa sinabi niya

"Why? May nagawa ba akong mali? May iba kana?" Naluluha narin ako dahil sa sakit.

"Wala, wala kang ginawang mali at wala ring iba, ikaw lang lance."

"Then bakit!?" Tumulo ang luha kong kanina pa gusto komawala. I know parang babae pero ansakit kasi.

"I fall out of love!" walang pag alinlangan nitong sabi "Parati nalang tayong hindi nagkikita kaya ayon."

"Yun lang? Dahil lang sa hindi tayo nagkikita? Sana sinabi mo dahil iiwanan ko ang trabaho ko para lang makasama kita kung gusto mo,para sayo gagawin ko ang lahat Edonna." Pilit na ngiting sabi ko dito.

"No, I'm sorry Lance, sana mapatawad moko."
Pailing iling nitong sabi habang humahakbang patalikod. "Ayoko na Lance" tumalikod na ito.

Nanghihinang napaupo ako sa Gilid at napasabunot sa buhok. Edonna is my first love and I thought she will be my last pero hindi.

Mga ilang minuto ay umulan ng malakas pero nakaupo parin ako habang nakayoko. Tumingala ako habang pumapatak ang aking luha kasabay ng ulan.Hindi ko kayang tumayo, Hindi ko kayang mag lakad. Parang nanghihina ako.

Nasa ganon parin akong posisyon ng parang hindi na ako nababasa pero umuulan parin.
Napatingala ako at nakita ko ay isang babaeng pinapayongan ako.

"okay kalang po?" Nag alalang tanong nito,pero nakatingin lang ako sakanya.

And That day i meet Zoe, Nung araw nayon ay kahit hindi ko siya kilala ay tinulungan niya akong mag move on, Nasabi ko kasi sakanya kung anong nangyari, Ewan pero parang ang gaan ng pakiramdam ko nong una naming kita. At maypagka Feeling close si Zoe kaya ayon

Si Zoe ang nandiyan nung kailan ko ng kasama, kahit na tinataboy kona ay parang wala lang sa kanya at pumasok ng condo ko na parang sakanya. Tinatawanan lang ako nito pag nag seseryuso. Pag nag luluklok ako sa kwarto ko ay sinasama niya ako sa park kasi raw para masaya.

Zoe is kind, Beautiful, and Smart palagi itong masaya. Hindi inaasahang nagka gusto ako sakanya at naging kami. Alam ko na parang ang dali lang dahil kaka break ay may bago na agad. Pero iba si Zoe.

2 years later

I'm infront of the altar nag hihintay sa magiging asawa ko.
At last makakasal na ako kay Zoe.

Bumukas ang pinto ng simbahan at nakita ko si Zoe nakatayo. with her slim white beautiful gown ay bumakat ang kanyang may kalakihang tyan. Yes, Zoe is 7 months pregnant With our baby Boy.

Lumuluha akong nakatingin kay zoe na nag sisimula ng mag lakad habang hawak hawak siya ng kanyang ama.

Nang nasa harap kona si zoe ay pinahiran ko agad ang aking luha.

"Ingatan mo ang anak at yung apo ko iho." sabi ng kanyang ama na naging emosyonal.
Tumango ko dito,At saka nagpasalamat.
Nag simula na ang misa at nakatingin lang ako kay Zoe.

"Lance,Tinatanggap moba si Zoe Bilang asawa at maging ina ng iyong anak, Habang buhay?"

"Opo Father" Masayang sagot ko kay father at naging emosyonal na.

"Zoe, Tinatanggap moba si Lance Bilang asawa at maging ama ng iyong anak, Habang buhay?"

"Opo Father" Nakangiting sagot din ni Zoe habang nakatingin saakin.

"You may now kiss The Bride"

Nagpalakpakan ang lahat. Hinawakan ni Zoe ang aking pisnge at saka pinahiran ang hindi ko namalayang luha na tumulo na pala.

"I love you" Sabi ko dito sabay halik sakanyang labi.

The End..

One Shot storyМесто, где живут истории. Откройте их для себя