Drop of Affliction

2 0 0
                                    

I can see a couple sitting in the bench with a kid,naka akbay ang lalaki sa babae at ang babae naman ay ngitingiti na parang kinikilig.

I smiled through the pain, It's been 5 years pero may kunting kirot padin,Parang kahapon lang ang lahat ng nangyari.

Flashback...

I was so happy kasi i passed! I will become a lawyer! Sa ilang taong pagtitiis ay nakamit kona ang aking mga pangarap.

And now pupuntahan ko si Sev para sabihin sakanyang naka pasa ako!
Sev is my 4 years boyfriend.

Masaya akong naglalakad papuntang parking lot habang tinatawagan si sev ngunit nakapatay ang cellphone nito.
Nagtataka man ay nagpatuloy lang ako sa pag lalakad.

Nasa parking lot na ako ng tumawag ang bestfriend ko na si Elise,Sinagot ko ito.

"Hello El bakit ka napatawag?"

"Al~" Parang natatarantang tawag nito.

"Ano Elise?"

"Al si sev"

"Anong nangyari kay sev? Na aksidente!?"

"H-hindi! Ano K-kasi, Mag kita nalang tayo dito, I'll text you the address"pautal utal na sabi nito at saka tinapos ang tawag.
Kinabahan ako ng kunti pero kinalma ko nalang ang aking sarili.

Dali-Dali ako pumasok sa sasakyan ko at saka nag maneho na papunta sa address na binigay ni Elise.

Nakakapagtaka dahil ang address ay Isang mamahaling restaurant. Ang alam ko kay Elise ay hindi ito kumakain sa mamahaling restaurant dahil daw ang mamahal ng pagkain ngunit pangit ang niluluto. Tumatawa ngalang ako ng sabihin nya yun.

Hindi nagtagal ay nakarating na ako at nakita ko si Elise na parang balisa. Nasa labas lang ito.
E pinark ko ang aking sasakyan at saka nakangiting nag lakad papunta sakanya.

"El!" Nakangising tawag ko dito. "Himala huh, pumunta ka sa mamahaling restaurant, akala ko hate mo ang ganito?" Patuloy kong sabi ngunit tahimik lang ito.

"Hoy! Anyare sayo?" Nakakunot ang noong tanong ko dito. Ngunit tahimik parin ito habang naka tingin sa loob. Na Curious ako kaya tinignan ko din yung tinignan nya.

Napatanga ako saaking nakikita, parang winawasak ang puso ko. I saw my man kissing A girl, And that girl Was my second best friend.

Napahawak ako sa aking puso dahil para itong kinakatay sa sobrang sakit.

Lumakad ako palapit para masiguro dahil baka namalikmata lang ako, ngunit ito den ang nagpapasakit ng husto saaking puso.

Tumulo ang luhang kanina pa gustong kumawala saaking mata.
Someone hug me at the back, it's Elise. Bumuntong hininga ako at saka pinahiran ang luha at kumawala sa pagkakayakap ni Elise.

Gusto kong umalis ngunit parang napako na ako saaking kinatayoan.
Hindi inaasahang napatingin sa direction ko si Sev, Napanganga ito at saka dali-daling lumabas.

"Al~" natatarantang tawag nito ng makalabas.
Ng nasa harap kona ito ay agad ko itong sinampal.

"Walang hiya, Kailan pa?" Kalmado ngunit may diing tanong ko dito.

"Al, mali ang iniisip mo mag kaibigan lang kami" Natatarantang sabi nito at saka hinawakan ang kamay ko ngunit winaksi ko ito.

"Kaibigan? May naghahalikan bang mag kaibigan? Baka ang ibig mong sabihin ay MAGKA IBIGAN" May diing sabi ko,Napanganga lang ito sa gulat.

"Grabe ka sev, si Denise pa talaga? Nakaibigan ko!" Turo ko sa Kaibigan kong nasa likod na ni sev. Psh Malandi! Si sev naman ay naka tungo lang.

"At ikaw naman denise, alam monang May girlfriend na at ang girlfriend ay best friend mo pinatulan mopa! Hindi talaga mawawala yang kalandian mo ano?" Galit na sabi ko dito. Umiyak lang si denise habang naka kapit sa kamay ni sev, napatingin ako don at para akong binugbog sa sakit. Napatungo ako

"Al, buntis si denise" Nanlumo ako ng bigla itong sabihin ni sev. Masakit na, ayoko na.

"I'm sorry, Al" Humagolgol na paumanhin ni Denise. Tinalikuran kona sila at si Elise ng may humawak sa kamay ko.

"Al Sorry patawarin moko, please Wag mo akong ewan" lumuhod si sev habang umiiyak at hawak hawak ang kamay ko, napatingin ako kay denise na hindi makapaniwalang nakatingin kay sev. Binawi ko ang kamay ko,

"Thank you" Nakangiti ngunit hindi abot tengang pasalamat ko dito, nagtataka naman ito.

"Don't worry,I'm not kind of woman na kapag nag cheat ang lalaki sa kanila, they will do revenge para lang makabawi,...Maging masaya kayo para saakin" naka ngiting sabi ko kay denise habang tumutulo ang luha.
"Paalam" tumalikod na ako at saka sumakay saking sasakyan, nag maneho na ako.

"I'm going to let you go my love...and open a new chapter of my life."

One Shot storyWhere stories live. Discover now