Huwebes

1 1 0
                                    

Huwebes
-
Kasing tamis ng mangga ang mga salitang nabitawan,
Hindi na maunawaan ang aking nararamdaman.

Iniiisip ko na sana'y iyon ay panaginip lamang,
Ngunit hindi, iyon ay isang katotohanan.

Sabi ng karamihan, kapag umamin sa'yo ang isang tao na gusto ka niya,
Mataas ang porsyento na magustuhan mo rin siya.

Hindi kaya iyon ang aking nadarama?
Sarili ko ba ay naaakit na rin sa kaniya?

Naguguluhan ang aking isipan.
Ang magmahal ay ni minsan ay 'di ko naranasan.

Kung maihahalintulad sa rosas ang pag-ibig,
Maaari rin ba itong malanta kung hindi mabibigyan ng sapat na tubig?

Ang pag-ibig ay tunay ngang sakit sa ulo.
Kasingbilis ng kidlat ang pag-ibig na natanggap ko mula sa 'yo,

Ang makilala ka sa loob ng isang linggo, matatawag mo nga ba iyon na pag-ibig?
Kung sa paglipas ng panahon ay bigla rin naman manlalamig.

Nakakatakot mag-tiwala,
Sa panahon ngayon ay mahirap maniwala.

Ang mga salitang nababalot ng matatamis na salita,
Maaari ba sa huli ito'y biglaang mawala?

Siguro nga ay masyado ko nang iniisip ang aking nadarama,
Nababalisa kung sakaling ibigin kita.

Kailangan ko ng kasagutan sa katanungan ng aking puso't isipan,
Kailangan ko malaman ang depinisyon ng tunay pag-ibig at maintindihan.

Kailangan ko ang matatalinhaga mo'ng salita, sinta.
Nais kong ipaunawa mo ang pag-ibig na nais ko rin na madama.

Ngayon ang ika-apat na araw para sa ika-apat na rosas,
Habang tumatagal, lumilipas na ang mga oras.

Hindi ko na kailangan mag-aksaya pa,
Ngayong araw, kailangan kita.

Sinunod ko ang aking puso,
Isip ko ang nagdadala saakin kung saan ako papatungo,

Ngayong araw, aking itinatanggap ang iyong pag-ibig,
Oo, hindi ito isang panaginip.

Maniwala ka't, buong magdamag ikaw ang naiisip.
Pagsinta mo ay aking hinahanap,
Puso ko'y natuklasan na ang kaniyang pangarap,
Ang maranasan ang pagmamahal mo na kay sarap.

Seven Days For Seven RosesWhere stories live. Discover now