Miyerkules

2 1 0
                                    

Miyerkules
-
Nagmamahal ba talaga tayo, o naaakit lamang?
Puso o isip, dalawa namang ang pagpipilian.
Sa natitirang araw, nais ko magsulat ng tula na tungkol sa pagmamahalan.

Ngunit paano ako makakapagsulat kung ang mismong sarili ko ay hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig?
"Ano ang alam mo sa pag-ibig?" tanong niya saakin habang papalapit at hawak ang sumbrero sa dibdib.
Napatingin ako sa lumapit, halatang siya'y binabasa ang aking iniisip.

Nalaglag ang rosas na naka-ipit sa aking libro,
Nang magtama ang aming kamay ako'y natutuliro.

"Paumanhin." aniya at iniabot ang rosas.
Naestatwa na ang aking sarili at bumagal ang oras.

Ang puso ay pilit na pinipigilan na magwala,
Natigil nga ito nang siya'y magsalita.

"Katulad ng Rosas,
Ang pag-ibig ay nalalanta kahit na ano mang oras.
Sa una, masaya at maganda,
Sa huli ay ating sarili ang magd-drama.
Ngunit kung hindi mo ito susukuan at aalagan mo ito ng may pagmamahal,
Ito'y magiging malusog at magtatagal.
Tunay ang pag-ibig, maniwala ka.
Nasa saiyo na lamang ito yung maniniwala ka."

Naramdaman kong nahaplos ang puso ko nang marinig ang tulang iyon mula sa kaniya,
Totoo at puro ang mga salitang binitawan niya,

Ngayon ang isip ko ay naguguluhan na,

"Ikaw ang aking adhika,
Walang pagsisisi na nagustuhan kita.
Iyo bang nakagitlaan ang una nating pagkikita?
No'ng mga bata pa lamang tayo at walang pinoproblema.

Nais kong malaman mo na ikaw ang aking tinatangi simula palamang no'ng una.
Kaya't pagbigyan ang pag-ibig na kumakatok sa puso mo, sinta.

Handa akong mag-antay ng matagal na panahon,
Iwan lahat ng sakit na dulot ng kahapon.

Pagsinta ko sa'yo ay tulad ng rosas na naka-ipit sa libro,
Nakatago at iniingatan na hindi mawala.
Binibini, kung dumating man ang araw na maniwala ka sa pag-ibig,
Naririto lamang ako at handang ialay ang aking pusong nagpapahiwatig."

Seven Days For Seven RosesWhere stories live. Discover now