Biyernes

1 1 0
                                    

Biyernes
-
Ito ang araw na puno ng pagmamahalan,
Ang mga puso'y sadyang nag-aawitan.
Tunay na pag-ibig ay nasumpungan na,
Nag-iisa at hindi bibitawan pa.

Ang mga ibon ay bumibirit,
Ang mga rosas ay sumasayaw nang paulit-ulit.
Para tayong nasa loob ng isang libro,
Mga salita'y kasing tamis ng pagmamahal mo.

Aking inaasahan na hanggang sa huli ay magkasama tayo.
Iniibig kita at ako'y iniibig mo.
Ikaw ang paksa sa aking mga tula,
Aking inaalay sa iyo ang buo kong tiwala.

Hawakan mo ang aking kamay at huwag nang pakawalan pa.
Naririto ako palagi sa tabi mo sinta,
Sabay nating haharapin ang makasasalubong na problema.
Magiging sandigan ang isa't isa.

Hindi mo kailangang solohin ang sakit at lungkot upang ito'y maging lihim,
Hindi ka na mag-iisa sa dilim, ituring mo akong lilim.
Ibubulong ko sa hangin itong alab ng damdamin,
Init ng aking pagmamahal ay iyong lasapin.

Wala na akong nais na hilingin pa,
Ang makasama at mahagkan mo lamang ay sapat na.
Ating pagmasdan ang pamamaalam ng araw sa dakong Kanluran,
Araw lamang ang mamamaalam ngunit hindi ang ating pagmamahalan.

Seven Days For Seven RosesМесто, где живут истории. Откройте их для себя