Martes

2 0 0
                                    

Martes
-
Pagkatapos ng matatamis na ngiti ay nabalot ng pighati ang panahon,
Umiiyak ang mga ulap at isinasayaw nito ang mga puno na hindi tulad ng kahapon,

Malakas ang patak ng luha nito na kahit anong gawin mo ay hindi mapapatahan,
Siguro, kailangan niya maging mapag-isa upang ang damdamin ay mahimasmasan.

Akin nga palang nakagiltaan, ang habilin ni Ina na umuwi ng maaga hangga't maari,
Sa panahon na ito, paano naman ako makakauwi?

Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip.
Minuto'y lumipas, isang estranghero ang lumapit saakin at binigyan ako ng masisilungan,

Nagtaka ako sa kaniyang asta at binigyan siya ng katanungan,
"Paumanhin ngunit sino ka?" aking tanong.

"Sa pagkakaalam ko ay ang habilin lamang ng iyong ina ang iyong nakagitlaan, pati narin pala ako?" ngisi niya. Kumunot naman ang akimg noo sa kaniyang sagot.

"Ako ang taong iniligtas ka sa kapahamakan kahapon."aniya.

Agad namilog ang aking mga mata sa pagkabigla.
Hindi ko alam kung anong aking sasabihin dahil sa kaniyang pagpapakilala.

Ngiti nalamang ang kaniyang tugon at iniabot ang payong habang ang ulan ay biglang naging ambon.

"Salamat." aking wika.

Kasabay nang pag-abot ko sa payong ang biglaan naman na muling pagtahan ng iyak ng ulap.
Napalitan ito ng nakangiting araw at muling ibinigay ang liwanag na nagpapaganda sa mundo.

Doon, nakita ko ang kaniyang mukha na nasisilayan ng matamis na sinag ng araw,
Ang kayumangging mata na kasinganda ng patak ng ulan na kumikislap sa pagpatak nito sa ilog na malinaw.

Sa huli ay naka-uwi na ako sa aming tahanan,
Hindi naiwasan ang sarili na mapagalitan.

Ngunit isa rin ito sa masayang araw na naganap sa parte ng isang linggo ng rosas na dumako,
Ang mapasalamatan ang taong nagligtas sa buhay ko.

Seven Days For Seven RosesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu