01 - The Caller

1.2K 22 2
                                    

LOVE SICK

Copyright © 2015 by AZULAN

All right reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This is a work of fiction, Names, Characters, Places, and incidents are either product of authors imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishment, events, or locales is entirely coincidental.  

____________________________________________________

"HELLO KUYA LOVE?" Isang boses ang bigla na lamang umere pagkapindot ni Arkin ng pulang buton sa radio show niya na Kuya Love. "Yes who's this?" Radio announcer siya. Halos magdadalawang taon pa lamang siya sa larangan bilang tigapayo sa pag ibig pero pumatok na kaagad yun. Big time! Hindi niya rin alam kung bakit, Sabi nila ay dahil daw yun sa kanyang malakas na dating, gwapong mukha, sexing katawan at magandang boses. Pero iba ang tingin ni Arkin. Na ang lahat ng ito ay dahil sa swerte, bigla na lamang iyong ng boom, parang isang swerte na nanggaling sa langit at siya lamang ang nakasambot, wala ng iba.

"Itago niyo nalang po ako sa pangalang Barbie kuya Love."

"Yes Barbie! What a versatile name, by the way anong age na ni Barbie?"

"27 napo  kuya Love."

"Oh 27, still young pa. Ah tiga saan si Barbie?"

"Tiga sampalok Manila po."

"Wow Sampalok, tiga diyan yung friend kong si Arnell. Hi Arnell pasensiya na kung hindi ako nakapunta sa birhtday mo." Tumawa si Arkin. Sinenyasan kasi siya ng kanyang floor director na huwag munang bumati dahil makukulangan sila sa oras. "Oh yan, nagagalit na yung floor director namin. Okay Barbie anong love problem mo?"

"Eh kasi Kuya Love. 27 years old napo ako, alam naman nating hindi na yun bata. Pero bakit wala pa po akong boyfriend?"

"Dyosmiyo Barbie!" Napahawak si Arkin sa likod ng kanyang ulo. "May picture kaba diyan na pwedeng mong ipost sa aming facebook page?" Napatawa siya.

"Kuya love naman eh seryoso po ako!"

"Bakit nagbibiro ba'ko? O sige. Baka naman kasi choosy ka pagdating sa mga lalaki. Teka choosy ka nga ba ah Barbie?"

"Medyo po, pero kasi eh.."

"Oh yun naman pala eh tapos nagtataka kapa. Alam mo Barbie. Maaring nasa sayo ang problema at wala sa mga manliligaw mo. Give them a chance, hindi yung pagkakita mo palang  yata sa mukha nila eh bu-busted-in mona kaagad."

"Ganun po ba kuya Love?"

"Oo naman. Kasi merong mga lalaki na hindi naman kagwapuhan pero wagas naman kung magmahal. Mag experiment ka kung minsan ha Barbie?" 

"Opo kuya love salamat po." Sabay baba ng caller sa may telepono. 

Nag break muna sila Arkin pagkatapos ng unang caller. Nilapitan kaagad siya ni Brenan. "Pambihira ka naman Arkin oh! Sabi ko naman sayo na nabawasan na tayo ng time tapos lulusot kapa sa pagbati mo." Sabi ni Brenan na kinakamot pa ang kaunti nitong bigote. 

"Pasensiya na Sir, nakalimutan ko." Pagpapaumanhin niya. 

Simula kasi ng Hulyo ay pumalo sa twenty percent ang tinaas ng rating ng kanyang radio program na Kuya Love. Kaya naman mas maraming pumasok na radio ad sa naturang programa, okay naman yun dahil dag-dag kita rin yun sa programa niya na ibig sabihin lang ay tinatangkilik ito ng mga tigapakinig, yun nga lang ang kapalit naman niyon ay kailangang bawasan ng ten minutes ang kanyang air time.    

Ilang sandali pa ay umilaw na ang tila bumbilyang globo na nasa harapan niya, na ibig sabihin ay tapos na ang commercial. Tinignan siya ulit ni Brenan. "Oh Arkin ah. Utang na loob. Kailangan nating i-maintain ang ratings kaya huwag ka munang bumati, maliwanag?"

Love Sick (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant