Lunes

9 1 0
                                    

Lunes
-
Matatamis na ngiti ang aking suot habang patungo sa hardin,
At ang mga ibon ay bumibirit na tila'y sumasabay sa bugso ng aking damdamin.

Nang ako'y makarating,
Hindi ko agad napansin ang paparating na kalesa patungo saakin,
Napaupo ako sa takot at pangamba, iniisip na ito'y katapusan ko na,

Segundong nagdaan, sa hindi inaasahan ay walang daplis ng kahit na ano ang tumama sa aking katawan,
Laking pasasalamat ko sa Diyos at sa estrangherong niligtas ako sa kapahamakan.

Unang hakbang, napansin ko ang papel sa aking harapan na nililipad ng hangin,
Kinuha ko ito at itinuon ang aking paningin,

Nakasulat dito, "Mag-iingat ka sa susunod. Ako'y may paroroonan pa."
Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala na kahit isang marka ang aking nakita.

Pagtungo ko sa hardin ng mga rosas ay agad kong kinamusta ang mga ibon na kumakanta.
At ang simoy ng hangin ay tunay na napakabango na aakitin ka na manatili pa.

Pumitas ako ng pito, para ito sa isang linggo na ilalagay ko saaking libro,
Na kung saan nakasulat ang aking saloobin sa loob ng rosas na linggo.

Aking hiling na sa loob ng isang linggo ay magawa ko na ang nga bagay na nais kong gawin,
Malaya at walang pipigil sa mga pangarap ko sa bituwin.

At sana sa loob ng isang linggong iyon, aking makilala ang estrangehro na nagligtas sa akin.

Seven Days For Seven RosesWhere stories live. Discover now