Nilibot ko na muna ang canteen para maghanap ng garbage bin ng makakita ako ng silya!! Napakatiming naman nitong silyang ito!! Haha.. Maidlipan nga.. Tapos na rin naman akong maglinis dito.

JASMINE'S P.O.V

WHAHAHHAH!! sa wakas nagka P.O.V na rin ako!! Kahit na maiksi lng to atleast na expose ang beauty ko di !

Oh sige!! Hulaan nyo kung anong nakita ko??

Ayaw nyo edi wag.. Pero sasabihin ko pa rin kasi maganda ako!!

Ahm.. Heto na!! Tada!! Ang natutulog na Jenny!! Grabe tong babaeng to!! Kanina pa kami busy bisehan dito tapos siya matutulog lang?? Di naman ata patas yun diba?? At para maging patas... Hehe. May naisip akoNg bagay na sadyang swak sa panlasa ng madla.. Haha.. Chos.. May naisip akong paraan para gisingin ang manang na jenny na to.

"Hoy! Joseph! Dala mo ba yong cam mo?? Pahiram, dali!!!"

"Huh? Bakit? Ayaw ko nga. May trabaho pa tayo!!"

"Dali na!! Cge ka alam ko kung anong sekreto mo! Gusto mo sabihin ko yun sa kanya? Huh??"

"Argh!! O-oh i-ito na!! Subukan mo pang ibuka yang bibig mo! Makakatikim ka talaga sa akin!"

Ay? Grabe! Ang brutal naman ng taong yun, pero at least pinahiram nya ako! Bwahahaha! Pero seriously, wala naman talaga akong nalalamang sekreto niya, gawagawa ko lang yun kanina, pero parang meron nga, hahaha.. Try ko ngang mag espeya sa taong to next time, next time na muna kasi this time , may gagawin pa akong napaka importanteng bagay!!!! BwahahahhahahahHha..

JENNY'S P.O.V

Nasa kalagitnaan na ako ng aking mahimbing na pagtulog ng may maramdaman akong kung ano na sumundot sa ilong ko.. Babaliwalain ko nalang sana yun, kaso may narinig akong ingay na parang nagpipigil ng tawa.. Kaya no choice ako kundi buksan ang magaganda kong mata.

Ah.. Si Jasmine lang pala..

Teka

..
Kurap..... Kurap..

Si jasmine...

Camera....

Ako....

Natutulog....

"Whaaaaaaaa!!!!! Burahin mo yan bruha ka!!!!!!"

"Bwahahahahhahaha!!! Grabe girl!! Ang epic ng mukha mo!!! Bwahahahhaha!!!!"

"Burahin mo yan Jasmine!!! Maawa ka!!"

"Hahahha.. Sige! Buburahin ko to sa isang kundisyon!"

"Oh sige ano yun!!!"

"Sasabihin mo sa akin kung bakit puyat na puyat ka eh samantalang ako naman ang pinaglaba mo kagabi!!"

"Sus.. Akala ko naman kung ano.. Ok.. Katext ko si Nathan kaya mga 3 na ata ako nakatulog kagabi!"

"Uy ayie!! Hahaha.. Pag-ibig na yan friend!"

"Che!! Hindi no.. Sige na burahin mo na yan!!"

Naku.. Ayan na naman yang ngisi nya... Mukhang hindi maganda to..

"Hahha.. Di pa... Nagbago isip ko .. May isa pa pala akong kundisyon.."

Sabi ko na nga ba...

"Sige.. Ano na?"

"Aminin mo muna na crush mo na si Nathan!"

"Che!! Ayoko nga!!"

"Kyaaaa!! Namumula siya!! Ayie.. Aminin mo na nga sige ka ipapakita ko to kay Nathan at i u-upload ko pa to sa youtube pag nagkataon, at chaka tayong dalawa lng naman dito oh, parang di naman tayo mag bestfriend nyan.."

Ayan!! Nangonsensya pa ang loka!!!

"O-o na crush ko na!! Ang kulit, oh!! Happy ka na nyan!!"

"Ayie!! Sabi ko na nga ba!! Hahaha!! Pero, asa kang buburahin ko to?bwahahaha.. !" - sabay takbo!!

Bwisit talaga tong bruhang to!!

Hahabulin ko na sana siya ng mahagip ng paningin ko si Joseph na nagmamadaling lumabas sa pinto ng canteen..

Teka?? Dito sya galing?? Narinig niya kaya yung usapan namin ni Jasmine?? Bakit parang nag walk out yun?? Ay!! Tama na nga tong iniisip ko!! Nagpapaka axiumin na naman ako....

***********

P.S
Guixe?? Sinong gusto nyong maging si Jasmine?? Wala pa kasi akong naiisip na magandang imaginary character na bagay sa role ni Jasmine eh!! Comment nyo na lang po sa baba!! Tnx!!!!

IT STARTED WITH A TEXTDove le storie prendono vita. Scoprilo ora