Hahaha.. Akala nya cguro madadala niya ako sa mga ganyan!! Haha. Basag ka ngayon friend..

1 message received
From: Nathan
" Ay! Hindi ko pala nasulat ang letter u? Tsk.. Yun pa naman ang pinakaayaw kong mang yari"

To: Nathan
"Ang alin? Ang ma miss sa pagsulat ang letter u?"
...message sent .

From: Nathan
"Hindi. I don't wanna lose 'u'!"


Wala, na!!
Parang habit ko na ata ang pag ngiti ngayon.

To: Nathan
" oh cge na.. Napangiti mo na ako.. Tama na.. Baka kagatin na ako ng langgam dito.. Goodnyt na.. Baka mapuyat ka"
.....message sent..

From:Nathan
"Huwag muna please, last na lng?"
To: Nathan
" ok ano yun?"

From: Nathan
" may naging bf ka na ba ??"

Huh?? Ano ba naman tong taong to, napaka personal naman ata ng tinatanong.

To: Nathan
"Huh? Ala pa noh.. Proud nbsb kaya to.hiihi..."

From: Nathan
" ah..cge change question. May crush ka ba sa mga classmate mo??"

Eh?? Patay.. Kung sasabihin kong wala, parang hindi lang siya ang niloloko ko kundi pati narin ang sarili ko, kung sasabihin kong meron, magtatanong yan, mangungulit, tapos pag hindi ako aamin kung sino, magpapaspy yan sa akin, tapos malalaman nya na ang crush ko ang pinsan nya , tapos isusumbong nya to sa kanya, tapos magagalit yung pinsan nya na crush ko, tapos aabangan niya ako at ipapatapon sa manila bay, tapos....... Parang O.A na yata masyado ako... Pero, ok narin yung nag iisip sa maaring mangyari sa future... Ah basta!! Mas mabuti na cguro yung mag sinungaling ako kaysa naman malaman nya na crush ko ang pinsan niya, nakakaloka, nakakahiya kaya yun!

'Papa God, sana po patawarin niyo ako sa gagawin kong pagsisinungaling, ngayon lang po to promise!! '

To: Nathan
"Ah. Wla rin, ang awkward kaya siguro nyan, kung magkaka crush man ako, hindi ako pipili ng classmate ko.."

Sinungaling! Eh nagka crush na nga ako sa classmate ko! Tsk.. Bahala na nga... Crush lang naman yun. Di yun big deal.

From:Nathan
"Ah sige! Goodnyt na .. Salamat sa time..good nyt.. Sweet dreams...

See yah!!!"

Huh?? Anong ibig sabihin ng see yah niya?? Pupunta ba siya ng school bukas para lang makita ako??

From: Nathan
"In my dreams..."

Ah.. Hahaha.. Akala ko....axiumin masyado kasi.. Hahah..

To: Nathan
"Ah ok... Nytie din... Hehe"

Haist!! Nakakaantok na. Anong oras na kaya...

Juskooo!!!
2:54 a.m na?? Huhu.. Sige na.. Matutulog na ako!! Patay talaga ako nito ngayon! Kami pa naman ang na assign na magbantay sa canteen bukas, kung nagtatanong kayo kung bakit, para sa t.l.e namin yun, cge na!! Bye !! Tulog na akO!!

zzzzzzzzZZZZZZZZ!!!

END OF FLASHBACK..

Ok!! So siguro naman gets nyo na kung bakit antok na antok ako ngayon.. Hahaist.. Wala pa akong kasama dito sa canteen, si Jasmine kasi ay pumunta muna sa faculty para kunin ang list ng magiging kasama namin ngayon.

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now