CHAPTER 1

258 41 14
                                    

"LALAINA ELLISE POV"

Hindi ko mapigilan mapangiti habang tinatahak ang daan patungo sa Department Store,dito sa Mall.

Zerie and I,decide to see each other in Department Store.Dahil bukas na ang pasukan kaya kailangan na namin bumili ng mga gamit.

"Oh my God, Lalie.Na miss
kita"masayang yumakap nang mahigpit sakin si Zerie nang magkita kami. Natawa naman ako nang mahina bago siya niyakap nang mahigpit.

Galing kasi ako sa Australia at ngayon nalang din kami nagkita ulit after 4yrs.Kaya ganon nalang ang naging reaksyon niya.

"Zerie, I miss you too"masayang sabi ko habang sabay kaming bumitaw sa pagkakayakap sa isat isa.

"Ilibre mo ko ngayon ahh"agad niyang sabi habang naghahanap ng mga notebook na gagamitin namin bukas.Napanguso naman ako bago siya hinampas nang mahina sa braso.

"Pwedeng umuwi nalang ako?"natatawang sabi ko habang kumukuha ng notebook at ballpen. Natawa naman siya at pinagpatuloy ang pagkuha nang mga kailangan namin.

Nang mabayaran na namin ang mga pinamili namin ay dumiretso na kami sa kotse.

"Sa jollibee nalang tayo kumain, Zerie"i suggested kaya napangiti siya bago umupo nang maayos.Ganon din ako.

"Manong sa jollibee po kami"sabi ko sa driver namin kaya napatango siya at nagsimula ng magmaneho.

"Lalie,namiss talaga kita"madrama niyang sabi kaya natawa ako sa kanya at ngumuso.

"Ang sabihin mo ililibre nanaman kita"natatawang sabi ko bago siya sinamaan nang tingin.

"Wow Si Zerie Ara Delos Reyes naging dukha na talaga"pa iling iling na sabi ko kaya nagtawanan kami at bumaba na ng sasakyan,andito na pala kami sa tapat ng jollibee.

Binigyan ko mo na ang driver namin ng pera baka gusto niya ding kumain.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay nag order na kami at nagkwentuhan tungkol sa nangyari samin noong mga nakaraang taon.

"So Ano na nga?naka bingwit kaba nang mga gwapo don sa Australia?"excited niyang tanong kaya natawa ako.

"Gwapo ba ang pinunta ko sa Australia?"tumatawa kung sabi sa kanya kaya natawa din siya.

Pinagpatuloy lang namin ang pag kwe-kwentuhan tungkol sa mga nagdaang taon na hindi kami nakapag usap ng maayos dahil nga malayo kami sa isa't isa at busy din kami sa pag-aaral.

Na e-kwento din sakin ni Zerie ang tungkol sa boyfriend niya kaya diko mapigilan kiligin dahil mukhang seryoso na talaga siya don sa lalaki.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang makita namin si Jake na gulat na napatingin saming dalawa ni Zerie.Napangiti naman ako at agad na kumaway kay Jake.

"Hindi man lang kayo nag-abala na isama ako.Para namang hindi tayo mag kaibigan"nagtatampo niyang sabi kaya natawa ako ganon din si Zerie.

"Ang sabi mo ayaw mong lumabas baka pagka guluhan ka ng mga tao.Akala mo naman gwapo"pang-aasar na sabi ni Zerie kaya natawa ako at kumindat sa kanya.

"Oo nga.Tapos kong maka react ka diyan parang hindi talaga niyaya"nakangisi kung sagot kaya napakamot naman siya sa ulo at tumabi sakin.

FOUND YOUWhere stories live. Discover now