CHAPTER 22

10.1K 257 266
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na naman ulit nakita si Garrett . Dalawang araw na ata siya hindi umuwi sa bahay . Kagabi lang siya nakauwi at mukhang lasing pa . Dinaanan niya lang ako .

Kung dati yung mamahaling pabango niya ang naamoy ko ngayon ay may halong pabango na ng isang babae . Mukhang pinaghalo ang pabango niya sa pabango ng babae . Ang sakit sa ilong at ang sakit din isipin na mukhang magkasama sila ni Savannah kanina at sa dalawang araw na wala siya.

Mukha itong galit at lasing na naman . Nagkasalubong kami sa hagdan at yumuko ako para hindi ko makita ang mukha niya at para iwasan din siya . Pero akala ko maiiwasan ko siya ng biglang hinarang niya ako kaya napatingala ako sa kanya .Wala itong emosyon at he stared at me coldly . Kapag nagkakasalubong kami pakiramdam ko may masamang mangyayari sa akin .

He just stared at me coldy and unemtionally pagkatapos naglakad na ito papunta sa kwarto nito . Hindi ko nga alam kung galit ba ito sa akin o hindi .

Minsan talaga hindi ko na rin maintindihan si Garrett . Simula kasi ng dumating sa bansa si Savannah Robida ay bihira ko lang ito makita at makasabayan minsan kahit sa opisina lagi na lang kasi si Steffano ang isinasabay nito kahit sa mga meeting na dinadaluhan nito .

Maghahatinggabi na rin at natutulog na halos lahat sila . Ako na lang ata ang gising at si Garrett na kararating lang . Bilang asawa gusto ko rin maranasan kay Garrett yung uuwi siya sa trabaho at tatanungin kung kamusta ang naging araw niya , kung kumain na ba siya , kung ayos lang ba siya yung mga ganoong bagay pero hanggang pangarap na lang siguro ang mga ganoon .

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nakita ko si Sebastian na nakahiga sa kama ko mukha itong kagigising lang .

" Sweety bakit gising ka pa ? " sabi ko sabat lapit sa pwesto nito at hinaplos ang malalambot nitong buhok at humiga sa tabi niya . Natutulog na rin kasi si Baby Leon

" I am afraid Mommy because I had a bad dream po . " sabi ni Sebastian sa inaantok na boses .

" Why sweety ? Ano ba napanaginipan mo ? " tanong sabay yakap ko sa kanya

" Naghiwalay daw po kayo ni Daddy at may dumating na witch at kinuha si Daddy sa atin . Tapos po pati kami kinuha din sa inyo ng witch na iyon . Umiiyak daw po kayo . " pagkukwento nito sa akin at niyakap ako ng sobra .

" Don't worry baby tsaka panaginip lang iyon hindi iyon mangyayari. Hindi hahayaan ni Mommy na kukunin kayo ng witch sa akin " sabi ko sa kanya at haplos sa mga buhok nito . Si Sebastian kahit masungit at hindi pala salita siya ang sobrang sweet at clingy sa akin .

" Mommy may ibang babae po ba si Daddy ? " tanong nito sa akin .

Dahil sa tanong nito sa akin ay hindi ako makapagsalita . Bakit niya tinatanong sa akin . Nalaman ba ng anak ko na may ibang babae ang Daddy nila .

" Why sweety ? Bakit mo naitanong ? " nauutal at mahinahon na pinipilit pinalalambing ko ang boses sa tanong ko anak ko na si Sebastian .

"I saw Daddy po sa news po sa television with that woman po . I think her name is Savannah Robida po . Sabi po sa news they are getting married na po . They " kwento nito sa akin .

" Diba Mommy married na po kayo ni Daddy so bakit po siya ikakasal ulit . Hindi na ba tayo love ni Daddy po ? Ikaw po ba hindi na rin kayo love ni Daddy ? I don't like her Mommy she look like witch po " sabi ni Sebastian at siniksik ang katawan nito sa akin .

Hindi ko alam ang maramdaman ngayon . Hindi ako makapagsalita . Kung ganoon nakita na ng mga anak ko si Savannah sa television . Ako kasi kahit sa tv or ano pa yan hindi ko pa nakikita ang mukha ng babaeng pinakamamahal ni Garrett . Natatakot ako .

The Billionaire's Secret WifeWhere stories live. Discover now