CHAPTER 20

9.6K 250 150
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala nakakaya na ng ipaalam ni Garrett sa ibang tao na kasal kami tulad na lang kay Steffano at Alaria . Minsan napapaisip ako kung ano ba ang plano at nasa isip ng asawa ko

" Paano na kaya ang nasa contract noong kinasal kami. Si Henrique lang naman ang lumalabag lagi " kausap ni Valeen sa sarili .

Habang nasa taas ng jeep ako papunta sa isang mall ay naririnig ko ang mga usapan ng mga katabi kong mga babae .

" OMO girls totoo ba ito ? Nakauwi na sa bansa si Savannah Robida ? " sabi ng girl nakapink sabay pakita ng cellphone nito .

Kaya biglang akong napalingon sa pwesto ng mga babae na nag-uusap ngayon .

" Oo true yan . Kanina lang siya nakarating at alam mo ba girl nakakakilig kasi yung fiance niya mismo ang sumundo sa kanya sa airport yung gwapong sikat na soccer player na si Garrett " kilig na sabi ng isa babae

" Balita ko din beh kaya yan siya umuwi kasi para makapagcelebrate silang dalawa ng 9th anniversary nilang dalawa at birthday na rin Garrett " sabi ulit ni girl na nakadamit na pink .

" Ang tagal na rin nila tapos hanggang ngayon loyal pa rin sila sa isat isa kahit LDR . Gusto ko yung tulad ni Garrett Fordcrow stick to one lang kasi si Savannah Robida lang sapat na"

" Stick to one ? Loyal ? Tsk kasal nga kami ni Garrett at may anak pa nga . Kahit kailan hindi yun magiging loyal " bitter na sabi ni Valeen sa isip niya .

" Pero girl alam ba balita ko baka mamadaliin na nila ang kasal nila . Ready na kasi magsettle-down niSavannah . Feeling ko wedding of the century sila kasi ubod ba naman ng yaman ni Fafa Garrett . " sabi ng babae na nasa tabi ko ngayon .

" Bagay na bagay sila parehong maganda at gwapo . Perfect couple siguro paglabas ng mga anak nila ang ganda ng lahi siguro " sabi naman ng isa .


Dahil sa sinabi ng babae hindi alam ang nararamdaman sad, hurt, angry, mad, and disappointed. Napaisip siya bigla sa mga bagay na iyon kapag magkaanak si Garrett at Savannah paano na ang mga anak namin.

Nakakainis ang lalaking iyon akala ko ba may laro lang sila yun pala susunduin lang ang fiance nito . Napaisip ako wala ako karapatan na maramdaman ang mga ganitong bagay dahil kung tutuusin asawa niya lang ako sa papel .

Mag 9th anniversary na pala sila . Ang tagal din nila . Mahal din siguro ni Savannah si Garrett kasi umuwi lang dito para magcelebrate ng anniversary at birthday niya . Tapos ako asawa niya at mga anak niya magiging etsapwera na kami sa buhay ni Garrett .

Mas tumitindi ang galit at inis na nararamdaman ko para kay Garrett . Nakakainis siya at napakamanhid niya talaga .


Andito ako ngayon sa isang sikat na mall naghahanap ng regalo para sa birthday ni Lovein . Nag-iisip kasi ako kung ano ang magandang ireregalo sa bestfriend ko . Siguro pagpipilian ko na lang ang kwintas , bracelet , earrings or damit .

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na may makabanggan ako isang babae kaya nahulog ang mga dala nitong mga shopping bag na galing sa mga mamahaling stores dito .


Nataranta si Valeen " Naku Ma'am sorry po talaga hindi ko po sinasadya na mabangga po kayo " hinging paumanhin ni ko sa kanya sabay tulong sa pagpupulot ng mga nahulog na shopping bags nito .

" It's okay Iha sorry din hindi rin kasi ako tumitingin sa daan na nilalakaran ko dahil may hinahanap ako " sabi ng babae sa kanya .


Napatulala ako ng bigla itong humarap sa akin . Ang ganda kasi nito . Ang ikinagugulat ko lang tinawag ako nitong " Iha " kahit parang nasa late 30s pa ito . Ang ganda niya tapos ang ganda din ng boses nito ang sarap pakinggan at nakakagaan ng loob .


The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon